CHAPTER ONE

22 1 1
                                    

Reading wattpad stories is on one of my hobbies.

Marami akong nababasang stories na talagang iiyakan ko tulad ng Ten Year Gap ni owwSIC, kikiligan ko tulad ng The Four Bad Boys and Me ni blue_maiden,tatawanan ko tulad ng My Husband is a Mafia Boss ni YanaJin,ung stories na nakakathrill tulad ng Special Section.

Marami din akong stories na nababasa na hindi pa tapos pero..GRABE!ung isang story na hinihintay ko talaga yung Ang Mutya ng Section E.

Tungkol yun sa isang babaeng napunta sa isang section na puro lalaki lang yung classmates niya...

Ung story lang talaga nun ni eatmore2behappy ung matiyaga kong hinihintay. Worth it naman kasiii..

Her story is..isss..basta ung story niya ang astigg...May asawa ako dun na si Keifer kaya di ko rin maiwannn..

"ANNE!"napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na matining.
Ayun nakita ko ang nanay kong maganda.Ayuuu..Jejejemon.

"Anu bayan kanina kapa diyan nakatutok sa celpon na iyan!Pag iyan talagang grade mo bumaba dahil diyan sa kakaWATTPAD mo..tignan mo!!",panenermon sakin ni Mudra kong maganda kasi maganda din ako.

"OPO mama WAIT lang,isang chapter nalang",pagsagot ko sa mudra kong maganda kasi maganda din ako.

"Yan ka nanaman sa kakaWAIT mo. Makakailang wait ka nanaman bago ka sumunod.Tumayo ka na diyan at magsaing kana."dagdag pa niya.

"Opo ma,wit lang isang chapter nalang talaga,pramiss."pagsagot ko.

"Tatayo ka diyan o kukunin ko yang celpon na iyan nang matigil na ang pagbabasa mo ng isang chapter. Kahapon pa iyang isang chapter na iyan ,hindi mo pa ba natatapos iyan?!"dagdag ni momshie.

Di ko pa din siya sinunod at bumasa lang ako ng bumasa ng wattpad.

"Akin na nga yang celpon na yan..ANAK KA NG KAGANG!"at nakita ko si mama na dali daling pumunta sa pwesto ko..

"Wahhh...oo na mama tatayo na po eto na.."sabi ko sabay tayo at punta sa kusina para sundin ang pinaguutos niya.

"Hindi pa talaga tatayo hanggang di ako lumalapit..nako talaga mga kabataan ngayon sakit niyo sa ulo!"

"Hehehehe...Labyu Ma"pangaasar na sigaw ko.

Sinunod ko na ang kanyang pinapagawa para naman di na makuha ulit yung celpon ko,nung nakaraan kasi nung di ako agad sumunod, kinuha niya yung celpon ko tas inuninstall niya ung wattpad ko.

Ang hirap kaya kunin sa kanya..
Pero kahit ganyan yan si Mama mahal na mahal ko yan kasi pag nagpapabili ako ng wattpad books binibigyan niya ako nang pandagdag sa naipon ko pambili.

Hindi naman sa nagmamayabang meron na akong 15 wattpad books.
Namely:
Hell University,Chasing Hell,Lucid Dream,Peculiar's Tale,Charm Aca-

"ANNE!Yang sinaing mo baka mabantilawan. Mukha ka ring timang dahil ngingiti ngiti ka magisa"nagulat ako sa biglang pagsulpot ni nanay..

Ayy!Nakababad pala yung kamay ko sa hinuhugasan kong bigas.
Kaya naman pala nagagalit si mama eh..Hahaha.

Sinunod ko na si mama at tatapusin ko muna yung ginagawa ko.

Pagkalagay ko sa kalan nung kaldero bumalik na ako sa sala at hinawakan nanaman yung celpon ko at nagbasa nanaman..

Lagi naman ganun ang routine ko araw-araw.
Paggising huhugas ng pinggan tas magsasaing tas prepare na para pumasok,pagtapos pumasok uwi agad nang bahay gawa nang assignments tas yun back to basa nang wattpad hanggang sa makatulugan ko.

Ewan ko ba, amboring na nang buhay ko sa totoo lang.
Pero di ako naboboringan kasi nan dyan yung wattpad tsaka yung kdramas na lagi kong kasama.

The Girl WattpaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon