3

3 1 0
                                    

TUMUNOG ang digital alarm ni Sid at nag-va-vibrate pa ito sa kanyang maliit na lamesa.

"Hindi ka na naman nakatulog kagabi," sabi niya sa kanyang sarili, ang kanyang boses ay malat.

Inabot niya ang orasan at pinatay ang ingay, ngunit hindi siya tumayo. Nanatili lamang siya sa kanyang puwesto, nakapikit pa rin, pinipilit na matulog kahit alam niyang niloloko niya lang sarili niya. Hindi rin naman pwede na umidlip siya, kasi may pasok siya ng alas-otso.

Umupo siya habang hawak ang kanyang mabigat na ulo. Pangiwi-ngiwi niyang ginalaw ito pataas at pababa, pakanan at pakaliwa. Humugot siya ng malalim na hininga bago siya tumayo sa kanyang higaan.

Kagaya ng mga ginagawa niya sa ibang mga normal na araw tulad ngayon, didiretso siya sa CR, maliligo, magsisipilyo, dudumi. Pagkatapos ay magbibihis ng maroon na polo at ipapaloob ito sa kanyang itim na slacks. Ang kanyang almusal ay bibilhin pa lamang niya sa isang convenience store na malapit sa terminal papuntang Manila kung saan siya nagtatrabaho, at papasok sa kanyang trabaho sa tamang oras.

Narinig niya ang kulingling mula sa speaker na nasa kisame nang binuksan niya ang pintuan ng convenience store. Dali-daling lumabas ang malamig na hangin at dali-dali ring pumasok si Sid dahil biglang umambon. Sabi sa balita na kanyang narinig habang siya'y nagbibihis ay may bagyo raw na nag-landfall na sa Bicol region.

"Good morning," bati ng cashier.

Binalik ni Sid ang bati nang pabulong at saka dumiretso sa ref para kumuha ng inumin. Kumuha siya ng energy drink sabay punas ng tubig-ulan na tumakbo pababa sa gilid ng kanyang mukha galing sa kanyang patilya. Hindi na rin siya nag-isip at pumunta agad sa istante upang kumuha ng tinapay na may palamang tuna.

"Init pa po na'tin?" tanong ng cashier, hawak ang tinapay. Tumango si Sid. "Okay, wait po."

Umalis ang cashier at naiwan si Sid na nakatayo, sukbit ang lumang satchel na kulay-kape. Tumingin siya sa labas, lumakas ang ulan at lumalakas pa. Ang mga nagtitinda ng mga prutas ay dali-daling binuksan ang naglalakihang payong, ang mga taong naglalakad sa kalye ay ngayo'y tumatakbo na, ilan sa kanila ay pumasok na rin sa convenience store upang magpatila ng ulan.

Narinig ni Sid ang pamilyar na tunog ng microwave, ilang segundo pa ay nasa harapan na niya ang cashier, at saka inabot sa kanya ang tinapay na mainit-init pa ang papel na nakabalot dito.

"Salamat,' sabi niya.

Palabas na siya nang biglang lumakas pa lalo ang buhos ng ulan. Mukhang marami na namang maninisi kay Regine Velasquez na ang laging hiling ay ang kanyang mundo'y lunuring tuluyan. Huminto siya sa labas at kinuha ang kanyang payong—

At kung wala pang ilalakas ang ulang ito.

Ibinalik niya ang kanyang payong sa satchel at pumasok muli sa loob ng convenience store. Ang kanyang mata'y naghahanap ng bakanteng upuan nang may tumawag sa kanyang cellphone.

"Hello?"

"Sid, hindi ako papasok. Lakas ng ulan dito," sagot ni Raquel, isa niyang katrabaho, "Pasabi naman kay Sir na may sakit ako."

Lumakad si Sid pa punta sa nag-iisang bakanteng upuan sa may bandang dulo ng tindahan, katabi nito ay ang charger station kung saan may nakasukbit na karatulang "NOT WORKING".

"Eh," utal na sabi ni Sid, "Ako rin baka hindi makapasok."

"Walanjo, o. Ano na lang sasabihin ni Sir?

"Malakas ulan dito, Rocky. Tapos traffic pa papunta sa Manila ngayon."

"Sid!"

"Rocky."

Maybe ElsewhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon