5

5 0 0
                                    

Kinulang ang isang laro sa Arcade para makalimutan ni Sid ang dapat niyang kalimutan. Kaya naglaro pa rin siya at naglaro pa, hindi inaalintana ang oras dahil wala naman siyang ibang gagawin.

Lahat na siguro ng mga arcade machines at iba pang pwedeng malaro sa Arcade ay nalaro na niya, maliban sa kung saang kailangan mong sabayan ang sayaw na nasa screen. Alam ni si Sid na hindi siya marunong sumayaw at ayaw niyang ipahiya ang sarili niya.

Natawa na lamang siya habang nakaupo sa gilid, pinapanuod ang mga bata na sumasabay sa pag-indak ng mga karakter sa screen. Kahit anong isip niya na subukan, hindi talaga kaya. Masyado pang fit ang kanyang polo at slacks.

Ilang minuto pa ay tumayo na si Sid at umalis sa Arcade. Naipagpalit na rin niya para sa maliit na singaing ang mga tickets na nakuha niya. Iyan lang kinaya ng mga ticket at okay lang para kay Sid. Hindi naman niya inaasahang maglalaro siya.

Hinawakan ni Sid ang kanyang tiyan. Kailangan niya na kumain. 3 PM na rin kasi.

Lumakad si Sid at tumanaw sa malaking bintana ng mall. Malakas pa rin ang ulan at tila hindi pa rin ito titigil. Masyadong madilim ang kalangitan, baka tuloy-tuloy ito, ang masama pa, e, baka bumaha.

Umakyat si Sid sa third floor para maghanap ng makakainan. Alam na niya kung saan siya kakain bago pa siya makarating. Dito lang naman siya madalas kumain kasi paborito ito ni-

Pitong taon siya nagdusa sa Jollibee. Ngumiti si Sid dahil baka isa ito sa mga perks ng paghihiwalay nila ni Mindy. Isa pa lang ito sa mga magagandang bagay na makukuha niya sa pag-bi-break nila at nag-iisip na si Sid kung ano pang pangdagdag sa listahan.

Excited na siya na umupo at mag-isip pa lalo habang nakain ng ibang pagkain at hindi Jollibee.

Dumiretso si Sid sa isang kainan na naghahain ng korean food. Matagal na rin niya kasi itong ninanais na makainan kaso kapag kasama niya si Mindy, hindi niya ito magawa. Pero ngayon, wala nang makakapigil sa kanya.

Maraming nakapaskil na mga larawan sa menu. Nasa gilid nito ang mga korean names na hindi niya sigurado kung tama niya bang babanggatin kapag sinabi na niya ang order.

"Isang ano nga," sabi ni Sid, hindi tiyak ang sunod na sasabihin, "um, iyong, ito... Oo, iyan. Iyang B."

Ngumiti lamang ang babae at binaggit pabalik ang order ni Sid gamit ang tamang tawag sa pagkain. Inabot ni Sid ang bayad at inantay ang order sa tabi ng counter.

Ilang minuto lamang ay dumating na rin ang pagkain ni Sid na nakalagay sa isang malaking bowl. May mga gulay at karne ito, may kanin din, at mga ilang sauce na hindi niya alam kung anong tawag. Ipinatong niya ito sa itim na tray at nagpasalamat sa babaeng nasa cashier.

Lumakad si Sid na nakapako ang titig sa sahig. Nasanay na siya sa ganitong gawain, na tumingin sa dadaanan. Ilang beses na rin kasi siyang nadapa at natapon ang pagkain dahil wala siyang kamalayan sa kanyang nilalakaran.

Tuloy lang siyang naglalakad papunta sa kung saan nakahilera ang mga lamesa at upuan. Huminto siya upang iaangat ang kanyang ulo. May nakita siyang bakanteng lamesa. Dumiretso siya rito at nang tiningnan niya ulit ito, may nahagip sa kanyang paningin.

Si Mindy.

Si Mindy na nakasuot ng yellow sweater, nakarolyo ang sleeves, ang buhok niya ay nakatali sa likod, ang kanyang mata'y nakatingin kay Sid.

Parang may tumugtog sa paligid. Iyong parang sa mga pelikula. Na habang natugtog ang isang magandang kanta, e, tila nabagal ang mundo.

Nakatingin lamang si Sid kay Mindy. Tila hindi sigurado kung totoo bang si Mindy ang nasa kanyang paningin o baka aparisyon lamang. Baka hallucination lamang niya ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maybe ElsewhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon