Chapter Three

26 1 1
                                    

Hey guys, ang excited ko lang. Dito na po magsisimula ang excitement. :) Yay Comment, Vote and Recommend! :D

Chapter Three

                *knock-knock*

                “He’s here.” I smiled at the door even before I opened it.

                “Hi.” And he did the most normal thing in the world: he kissed me.

                “Mm—! Vince!” hinampas ko siya, tinawanan niya lang ako and he lifted me off the floor. I wound my arms around his neck. Wala akong pakialam na inisnab niya ako ng ilang araw.

                All I know was that he was kissing me right now and murmuring that he loves me and misses me, and that I realized I just misunderstood his aloofness these past few days.

                “Get a room, people!” narinig namin si Wendy na sumigaw mula sa kitchen, wala akong ibang nagawa kung hindi tumawa nalang.

                Ewan ko ba, basta ang saya ko ngayon. Call me a fool, but I’m throwing away all my doubts about this idiotic guy. I felt him take my hand as he looked me up and down.

                Simple lang naman ang suot ko—isang carnation floral dress about two inches above my knees, gladiator sandals, at bitbit ko lang ang pink purse ko. Kinulot ko lang ang dulo ng itim kong buhok, nagpulbo at light lipstick, tapos ready na. Sa tuwing sinusundo ako ni Vince at sinasabi niyang ‘dress nicely’, ibig sabihin nito ay pinapasama ako ng parents niya. And I’m happy.

                “Beautiful.” He smiled, “Let’s go?” I nodded.

                Nung nasa loob na kami ng kotse niya at naayos na niya lahat, sabay kaming huminga ng malalim. Tapos natawa kami. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito habang nakatingin kami sa isa’t-isa.

                “I’m sorry for these past few days…” he started, “I missed you,” and he leaned over to kiss me again.

                Nilagay ko ang kamay ko sa gilid ng mukha niya at tinreasure ang halik na iyon. Namiss ko rin siya. Miss na miss. Akala ko wala na.

                Hindi ko napansin na tumulo na pala ang mga luha ko hanggang sa naramdaman kong punasan niya ang mga ito at nginitian ako. Pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit.

                “I’m sorry… I’m sorry, baby… it won’t happen again…” he murmured. I pulled away.

                “Okay lang. Haha. Sorry, Ampangit ko na bigla,” sabi ko sabay punas sa mukha at check sa rearview mirror kung mukha pa ba akong tao. Hinawakan niya lang ulit ang kamay ko.

                “You’ll always be beautiful, baby,” he said at nagsimula nang magdrive palabas ng parking lot.

                --

                Pagdating namin sa bahay nila, nagulat ako. Ang daming tao. Nandun ang mga tita at ang mga pinsan niya! Pati ang lolo at lola niya. Both sides of the family. Isa-isa silang naghello at good morning sa akin, at siyempre bumati rin ako. Isang taon na rin kasi kaming magkarelasyon ni Vince, at napakilala ko na siya sa parents ko at napakilala niya narin ako sa pamilya niya. Kaya nga kung gusto ko magrebelde eh kayang-kaya ko dahil botong-boto sakin ang pamilya ni Vince.

                “Breakfast, huh?” tanong ko sakanya as he led me through the crowd, still holding my hand.

                “Yes, well, it’s kind of a brunch-like family reunion,” sabi niya habang naglalakad parin kami.

[I Can Love You] More Than ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon