Prologue

288 19 7
                                    

The Nerdy Bet

© alygatorx, 2014-18

- -

Prologue

Hindi sa lahat ng storya ay mabait at iiyak-iyak ang babae. Yung tipong kailangan na may living panyo siya na naglalakad sa mundong ibabaw na kada iiyak siya ay may taong pupunas ng luha niya.

Hindi rin sa lahat ng storya ay flirt ang lalaki at nerdy ang babae.

Hindi rin sa lahat ng storya, tanga ang babae at matalino ang lalaki.

Na yung lalaki yung sikat, mala-badboy at siya yung makakapansin sa girl.

Kung hindi naman ay athletic si boy at ubod ng lampa si girl.

Minsan mas malupet pa! Lalaking matalino na, athletic na, mala-bad boy at sikat pa! In-all of the above na. Sa kamalas-malasan naman ni girl ay sinalo niya lahat ng well... kamalasan?

Hindi sa lahat ng storya, babae ang kontrabida at nag-"iinarte." Pwede rin namang lalaki ah!

Masyado ng cliché yun no!

Higit sa lahat, Hindi lahat ng storya ay puro knight in shining armor.

Bakit? Bawal ba princess in shining skirt?

Hindi ba kayo nagsasawa? Iyak iyak na lang palagi yung babae. Damsel in distress yung peg. Nakakababa naman yun ng tingin para sa mga babae. Nagmukha pa kaming mahina no! Kailangan palaging kawawa yung babae, ganon? para iligtas ni Mr. Knight in Shining Armor para nakakakilig. Nasaan ang gender equality doon? Aba! Hindi ako makakapayag doon. Iwawagaygay ko yung bandera naming mga babae. Dito malalaman niyo na, Iba-iba ang mga babae at lalaki.

Dahil sa storyang ito...

Hindi siya ang nakapansin sa akin. Ako yung nakapansin sa kanya sa hindi inaasahang pagkakataon.

Ako? Maganda. Matalino. Athletic. Hindi Mabait (Honest lang ako no! Y-U-C-K! Kainis kaya yung ubod as in ubod ng bait. Yung tipong plastikan na. Tsk.) at FAMOUS ako!

Miss popular. Miss Snobera. Miss Mataray. Miss Masungit. Miss Hot. Miss Maganda. Miss oh-so-perfect Edi lahat na! Miss miss-in ko yung mga mukha niyo eh!

Eh Siya? Panget! Sobrang talino (Honestly speaking, Nerd pa nga eh! Sobrang laki ng glasses niya.) kaso ang nakakasura doon ay feeling pogi naman! Parang memopausal baby. Hmp! Hindi lang yun. Lampa at hindi pa sikat! Nabu-bully tuloy. Boo! Parang Bakla! Ewww.

Mga salitang nag-iba sa buhay ko: "make him fall in love with you in a month."

Ngayon, Ang goal ko: (dahil natalo ako sa isang bet which is unlikely. First time to no!)

I NEED TO MAKE HIM FALL FOR ME! Can you believe it?! Yung NERD na yun. (kahit labag na labag as in labag sa kalooban ko! I need to pretend I LIKE HIM. Kadirs. Masisira ang inaalagaan kong pangalan sa university na ito.)

Akala ko nga madali eh, Hindi pala. Tss.

Pero hindi ako basta basta magpapatalo!

Get ready, Daniel Nicholas Cruz. I'm gonna make you fall in love with me by hook or by crook and I'm never backing down.

The Nerdy BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon