Chapter One
Losing the BetPaghakbang pa lang ng paa ko sa University ay pinagtinginan agad ako. First day of school nga naman. Oo. Center of attention nanaman ako... and of course, I like it!
"pre, Chix oh!"
"Ganda naman niya."
"Ayan na si miss ganda oh."
"Magiging girlfriend ko rin yan."
And so many more comments. Walang humpay na comments. Ang kapal pa ng mukha ng nagsabi na magiging girlfriend niya rin ako. Tss. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit yung mga taong kakilala kong sikat rin naman. Pinag-uusapan at pinagtitinginan na ay hindi daw nila naririnig o nararamdaman. Bingi lang? Manhid lang?
"Frances!" Nilingon ko yung taong tumawag sa napakaganda kong pangalan. Paglingon ko, Nakita ko nanaman yung babaeng kapantay ko. Maganda, Matalino at Famous. Hindi nga lang snobera katulad ko pero whatever. Isa ito sa mga nagsasabi na hindi niya naririnig o nararamdaman ang mga bulungan at tinginan. Kaya nga ang lakas ng loob magsisisigaw. Kulang nalang gumulong na sa sahig.
"What do you need, Laila?" tanong ko sa kanya ng walang interes.
"Don't call me Laila in public! Mahirap ba bigkasin yung Sophia? 5 letters lang yun, Frances!" sabi niya na naiirita. Girls and their dramas. What's up with that? Hindi naman ako ganun ah? Boy na ako ngayon? Ganda ko namang lalaki.
"Laila is also 5 letters." Sabi ko making a point. Totoo naman diba?
"and so is Krystel to Frances." Sabi niya.
I rolled my eyes. "Gusto ko lang special yung akin no. Hindi katulad mo." Sagot ko.
"What? Krystel and Frances are both common names, no!"
"Duh! Frances sounds waaaay better!"
She rolled her eyes. "Exactly! Sophia is better, too!" sabi niya na parang bata.
"Whatever." Nakakapagod makipagtalo sa tuwing tinotopak nang pagkaisip bata ito.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ng mapatigil kami sa bulletin board. Pagtingin ko ay nandoon ang portrait pictures namin ni Laila at iba pang mga average na babae. May nakalagay pa sa taas na "Top 10 Stunning Women of La Saneo University".
Sa baba nang kada portrait picture namin ay naka-indicate ang name namin, age at course na kinukuha. Tinignan ko naman ang akin.
Name: Hernandez, Frances L.
Age: 19 years old
Course: BSBA-M (Bachelor of Science in Business Administration major in Management)Well, Tama naman ang lahat but they didn't get my full name. I'm Leila Krystel Frances Hernandez. A second year college student. Alam kong mahaba ang pangalan ko. I'm not even sure kung bakit pero I picked the prettiest part of my name. Pinagpilian ko pa actually yung Leila at Frances kaso itong Best friend ko ay ayaw na makilala kami as "Leila and Laila." Mahirap na daw at mapagkamalan pang twins. Hindi rin naman gagamitin yung Laila. Tss.
Pero syempre hindi ko siya pinakinggan, 2 years ago lang ako nagswitch into Frances kasi syempre college narin naman. Something new kumbaga! And for another reason...
Anyways!
Syempre nasa Top 1 ako at Top 2 naman si Laila. Hindi ko lang alam sa nasa 3-10 dahil mukha nalang naman silang average na tao. Psh.
"What?! Bakit Top 2 lang ako? This is so wrong!"
"They're just stating facts." Sagot ko. Nagkibit balikat pa ako at tiningnan niya naman ako ng masama. Nagsimula na ako maglakad muli at sumunod naman siya sakin.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Bet
RomanceAko? Ako lang naman si Leila Krystel Frances Hernandez. Sikat, Matalino at maganda. Eh siya? Siya lang naman si Daniel Nicholas Cruz. Isang nerd, lampa, at panget. Eh kaso napasok lang naman ako sa isang bet na nagbago ng buhay ko. "make him in lov...