Dai Jon
Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Jahleel nang makarating kami sa bahay. Habang ako ay nagngingitngit sa ginawa ng babaeng iyon sa loob ng sasakyan ko, siya naman ay tuwang tuwang nakikinig at nakamasid lang. Baliw na nga siguro ang babaeng iyon. Hinding hindi ko maiintindihan ang ugali niya. Para siyang may deperensya sa pag-iisip lalo pa't paiba-iba ang mood. Kung hindi lang sa university ko nag-aaral, malamang ay napagkamalan ko na siyang may bipolar disorder. Total screening ang ginagawa ng university board sa mga nag-eenrol kaya isandaang porsyentong alam kong nakapasa siya sa samu't saring tests at screenings. Pero ngayon ay parang may pagdududa na tuloy ako sa kakayahan ng Screening Committee..
Sino ba naman ang matinong tao- na babae pa- ang gagawa nung mga pinaggagawa niya.
--------------------------------------------------------------------------
5 hrs earlier
" Gusto mo nang trip ha, bibigyan kita ng kakaibang trip."
Nagsalubong ang kilay ko sa narinig? Anong gagawin niya?
Pareho kaming napapitlag ni Jahleel nang may biglang tumunog ng malakas sa may likuran niya.
" Tik! Tik! Tik!" Nanlaki ang mga mata ko.
" Shit! May bomba!"
Jahleel suddenly stopped the car and we both got out . Nagkabungguan pa kami nang sabay kaming nagtago sa isang maliit na poste sa gitna ng lane kung saan nagseseparate ang right and left lanes. NApamura na naman ako nang marealize na naiwan namin si geek sa loob ng kotse kaya binalikan ko siya, only to see her laughing her ass out. MAy hawak siyang cellphone sa kaliwang kamay. Nag sink in sa utak ko ang nangyayari.
" Jah, get back here! "
Pumasok ako sa loob ng kotse na kuyom ang kamao. Takte! Bakit hindi ko narinig ang balak niya?
Buti na lang at walang gaanong sasakyang nakasunod sa amin kundi ay baka napahiya pa ako. Or worst, baka nadisgrasya na kami.
" You're crazy! Pa'no kung nadisgrasya tayo!?" singhal ko sa kanya. Pinunasan niya ang luha niyang tumulo dahil sa katatawa.
" Uh.. A-anong nangyari?" takang tanong ni Jahleel nang makapasok. I motioned him to drive dahil nagsimula nang bumusina ang mga sasakyan sa likod namin. Huminto ba naman kami sa gitna ng daan.
" Asan ang bomba? Nadiffuse na ba?" tanong ni Jahleel.
" Aahahahahhahha.. O-oo.. nadiffuse ko na.. Aahhhahahahh..!"
Akala ko ba tapos na to sa kakatawa? Sarap sakalin ng babaeng 'to.
" That was epic, dudes! hahaha.!! Sayang hindi ko navideohan," natatawa pa ring saad niya.
" Y-you mean...?" si Jahleel.
Itinaas naman ni geek ang cellphone niya habang nakatawa.
" H-hoy! Hindi magandang biro yun ah!" nakasimangot na saad ni Jahleel.
" Maganda kaya." tugon ni geek. She will be geek for me dahil hindi ko gustong malaman ang pangalan niya at wala akong pakialam sa kanya.
' Wala daw. Eh,ba't mo kinidnap?'
Am I hearing myself against myself now? Tss!
" You behave there from now on. Kung hindi malalagot ka sa akin. Naiintindihan mo?!"
" Hindi," kalmado niyang sagot.
" Ano?!"
" Hindi." Inner laugh.
YOU ARE READING
Her Silent Screams
Художественная прозаI can hear them... Everyone of them. Even their deepest thoughts, deepest secrets.. I can hear their heartbeats, how their blood flow in their veins,how their pulse racing. I can hear them all, even without trying, even when I don't want to...