3- Her Silent Sanctuary

10 0 0
                                    


Not a day goes by na hindi nagtatagpo ang landas namin ni geek. Pero ako ang laging umiiwas. Jahleel was keen to observe that, but I shrugged him off. Kahit ako ay hindi maintindihan ang sarili ko.

Minsan ay gusto kong magkulong na lang sa bahay upang maiwasan siya. Dahil kapag nasa university ako, lagi na lang siya ang laman ng utak ko.

But today is a different case. Masyadong tahimik. I wonder if she's not at school, or talagang closed ang utak niya ngayon gaya ng ibang pagkakataong hindi ko siya naririnig. Isa rin iyan sa dahilan kung bakit curious ako sa geek na iyon. Though most of the times, I could hear her. Pero yong mga importanteng detalye ay hindi ko malaman dahil parang sinasadyang ang naririnig ko lang ay mga kalokohan niya dito sa school. It's a big wonder.

I walked thru the backdoor of the building. Ito ang pinakalikod na building ng school at sa likos nito ay ang mini-forest na nagsisilbing bakud bago pa ang high concrete fence ng school.

Walang masyadong nagpupuntang estudyante rito dahil bukod sa creepy at madilim, walang kaaya-ayang tanawing makikita rito, unlike the school gardens in each department.

Ang hindi alam ng karamihan, may magandang spot dito kung saan ako laging nakatambay.. It's in the far end. An acacia tree was straightly standing proud amidst all the trees, at sa paanan niyon ay mga violet plants na laging may bulaklak na baby pink. I don't know if it was intentionally planted like that, or baka tumubo lang ang mga iyon dito.

Butterflies are swarming around the violet flowers like they are guarding them. And at night time, dahil madalas akong natutulog dito at naabutan na minsan ng dilim, fireflies are all around the tree, lighting it like it was their sole purpose in the world.. Minsan naiisip ko ang mga naririnig kong balita na may engkanto rito, but I don't believe in them. Mas maganda kung ako lang ang nakakaalam ng lugar na ito.

I was about to lay down on the ground when I looked upward. And there she was, lying comfortably on the biggest branch of the acacia tree, still with headpiece on and her hair scattered.

She looks really peaceful, pero isang galaw lang nya ay alam kong mahuhulog siya.

" Hey!"

Hindi ako narinig. Malamang, nakaheadset nga.

I climbed up. Hindi naman malayo ang sanga kung saan nandoon siya. At ngayon ko lang din narealize na parang binuo talaga ang kahoy na ito dahil kahit yata bata ay kayang akyatin. It's like the branches were sprouted like a spiralling ladder.

Nang makarating ako sa kinaroroonan niya ay bigla akong natigilan. Ang plano ko ay gulatin siya para sana mahulog, nang sa ganoong paraan ay makabawi ako sa maraming pagkakataong ginulo niya ang utak ko. But she seems really comfortable and peaceful. Ang amo ng mukha niya, na akala mo ay hindi siya gagawa ng anumang kalokohan.

Alam kong maloko siya, dahil hindi lang iisang beses ko siyang nakita at narinig na nakikipagsabayan kay Minette. Kahit nga kanto malapit dito sa school ay may nakabangga rin siyang siga. Kung tutuusin, lamang na lamang siya sa isang ordinaryong babae. Marunong siyang makipaglaban dahil nasaksihan ko siyang hinoholdap ngunit hindi natuloy dahil binugbog niya ang tatlong holdapers. And she's witty too. Lagi siyang may comeback sa mga insultong natatanggap niya, though hindi niya isinasaboses yon lahat.

Nakakakonsesyang guluhin ang tahimik niyang pagpapahinga ngayon. Alam ko rin naman kasing umiiwas rin siya mga bully sa school kaya alam kong nakakapagod rin.

I sat on the left branch next to hers. Matutulog na rin siguro ako.




" Woi! "
Randam ko ang ihip ng hangin dito. Ang maalong tubig ng dagat ay dumadaplis pa sa akin ngunit hindi ko alintana.. Maging ang malakas na alon ng tubig ay hindi ko pansin. Umaalog alog ang barko ngunit walang kaba akong naramdaman. This is it! My freedom! I am finally free!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Silent ScreamsWhere stories live. Discover now