Chapter 8 - Plan A

279 6 0
                                        

Chapter 8 - Plan A: Accomplished or failed?

*                  *                  *                    *                  *

"What the hell!" sigaw niya. Waaaaa! Ano nang next? Shet! Kinakabahan tuloy ako! 

"Ah-eh,'' nagkatinginan kaming magbabarkada. Lahat kami ay makikita mo na kinakabahan. First time lang namin 'to, kaya sana magtagumpay kami. 

"Ahm, HI! Happy to see us?" masayang sabi ni Mika. Pero halata mong kinakabahan parin siya. 

''What the hell are you all doing here?!" sigaw ni Nicole. Pero kahit ganun ay blanko parin ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ba siya nagpapakita ng kahit anong ekspresyon? Kahit gulat lang?

''Ah-eh,'' wala parin kaming masabi. Ano bang dapat sabihin? Gusto ka naming maging kaibigan kaya bonding tayo? Eh tinanggihan nga niya kami diba? Aish! Pero, nandito na rin naman kami, we'll do the plan A! Sana hanggang Plan A lang.. hopefully.

"We told you, gusto ka naming maging kaibigan,'' pagsisimula ko.

''Kaya kami nandito.'' nakangiting sabi ni Pau. Wew! WE CAN DO THIS! FIGHTING!

''Kaya, tara na! LET'S GO SHOPPING!" masayang sabi ng shopping lover na walang iba kundi si Vivi. Lahat kami ay nagsitayuan at kinuha yung bag namin. Samantala, hinatak naman ni Mika si Nicole. This is going to be FUN!

''Teka-- sinong nagsabing sasama ako?" lahat kami napahinto sa sinabi ni Nicole. Hinarap namin siya,

''Wala, pero sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka parin.'' nakangiting sagot ko. Tama naman diba? Kasama 'to sa Plan A namin, ang hatakin siya kasi for sure hindi siya papayag.

''Kaya tara na! Gusto ko na ring mag-shopping!" atat na sabi ni Vivi. Sa sobrang atat ay hinila na niya ang isang kamay na hindi hawak ni Mika.

''Teka-- Aish! Fine! Sasama ak--'' hindi pa siya natatapos ng nagsihiyawan na kami. YAY! Sabi na nga ba eh! Hanggang PLAN A lang kami! 

''Patapusin niyo muna ako!'' biglang tumahimik ang paligid.

''Hihilahin niya ko nang ganito suot ko?" mataray na sabi niya. Sorry naman! EXCITED KAMI!

''Ay, sabi nga namin!  Bilis na, magbihis ka na!" tinutulak tulak na sabi ni Mika. Nakikitulak naman si Vivi. Halatang excited eh.

*

Maya-maya ay bumaba na siya, at ang cool! Naka black skinny pants siya, with white blouse na may skull print at black vans. Plain right? Pero ang cool kapag siya ang nakasuot!

''Ano na?" nakataas kilay na sabi niya. Oo nga pala! Muntik na naming makalimutan. Hinila na ulit ni Vivi si Nicole at tumakbo kami palabas ng bahay. Sinakay namin siya sa mini van namin at pinaharurot ko na ito papuntang P-Mall. Ang pinaka-malaking mall sa Pilipinas. 

Black TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon