Chapter 7 - Making the move

808 31 11
                                        

Chapter 7 - Making the move

*               *           

Hannah's POV

Andito kami ngayon early in the morning para makapagplano. Doon nalang kami sa hideout nila kuya mag-uusap usap.

Nagdrive kami papuntang basement. Dire-diretso lang kami hanggang sa nasa dead end na kami.

Bumaba ako at pinindot ko yung isang brick doon na nasa pinaka-gitna at biglang bumukas yung brick passage. Sumakay ako muli sa kotse at pinaandar na.

Dire-diretso lang kami hanggang sa nakita na namin yung pintuan ng hideout nila rito sa school.

Binuksan ko yung bintana ng Black BMW ko at nilanghap ang sariwang hangin. Maganda dito, hindi mo aakalaing na sa malaking bahay na 'to ay nasa basement lang ng school. Pero syempre tago kaya ayos lang.

Pinark na namin yung mga kotse namin at bumaba. Pinindot na namin yung doorbell at biglang tumapat sa amin yung metal na CCTV at biglang nag-flash ng kulay pula.

At bumukas na yung pinto.

''Oh, sis, nandito kayo?'' walang kwentang tanong ng kapatid kong siraulo.

''Hindi, wala kami, che! " 

''Wow! Taray natin ngayon, Laurel ah.. Meron ka? Pffftt---'' bwisit na sabi ng bwisit sa kwartong 'to! Edi sino pa ba? Ang napakalanding lalakeng nakilala ko sa buong mundo. 

''Don't call me Laurel, at wala akong pake sayong malandi ka.'' masungit na sabi ko kay malanding Mark.

Umupo kaming magkakaibigan sa couch. Isang two- storey house ang hideout nila.

Medyo simple lang pero maganda sa loob. Yung living room may tatlong couch at flat screen TV. Yung kitchen na kompleto yung gamit, at sa taas naman na may anim na kwarto. Lima para sa kanila at isang malaking kwarto para sa mga guests katulad namin kapag napagtripan naming matulog dito. O di kaya tumakas, hahaha!

Meron din silang Entertainment room, may video games,darts, isang mahaba at malaking couch. Drums, Guitar, Piano, At mga iba pang instrumento. 

Nang bumalik na ako sa sarili ko ay nakita ko nalang na nagsasabatan na naman ang lahat. Syempre except kay kuya. Wala atang nakakapagsagot-sagot diyan. Hahaha! Well, except now.. 

''Guys, guys, QUIET!" iritableng sabi ko sa kanila. Lahat sila ay napahinto sa pagsasabatan, pagmamayabang, pagsasalita at kung ano-ano pa. 

Black TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon