Chapter 3

9 3 0
                                    

"General, bakit baril?" mabilisang tanong ko kay tito pero ang loko, binigyan lang ako ng oras at lugar ng magiging tagpuan namin bukas.

"I will answer all your questions tomorrow at exactly 2 o'clock in the afternoon, go to the field and don't forget to bring my gift. Sa ngayon magpahinga ka na muna at magpapahinga na din ako. Yung tawag mo lang talaga ang hinihintay ko. Good night Major." pagpapaalam niya na may kasama pang paghikab.

Muli kong sinilip ang regalo at baka namamalikmata lang ako, pero tang*na, baril talaga siya. I was about to touch it nang may kumatok. Dali dali ko itong inilagay sa ilalim ng kama.

"Bakit gising ka pa?" my mom asked when she opened the door.

"I was about to sleep." I answered.

"Ganun ba?"

"Yes, anyways, do you need something? Bakit di ka pa din natutulog? It's already late mom, di yan maganda sa kalusugan mo." pagsesermon ko naman sa kanya.

"Yeah yeah, may tinapos lang naman ako. And I came here to give this to you."

May iniabot na isang regalo si nanay na kasing hugis ng binigay na regalo ni tito. Sa di malamang kadahilanan ay muli akong kinabahan.

"Di mo ba tatanggapin anak?" muli kong tiningnan si nanay at kinuha ang regalo.

Tinantiya ko kung gano siya kabigat at gusto kong magmura nang mapagtantong magkasing bigat sila ng regalo ni General.

Hindi naman siguro baril to nuh?

Pero bakit  niya naman ako bibigyan eh ayaw niya nga akong magpulis.

Bigla na lang nanlaki ang mga mata ko nang may biglang pumasok sa isip ko.

What if... What if gusto niya na akong magpulis ngayon??

"Are you okay Ace?" para akong naalimpungatan nang biglang magtanong si mama.

Agad ko itong tiningala at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Nakita niya siguro ang bawat reaksyon ko sa pagkuha ng regalo niya.

"Yes mom, I'm sorry, I was just...tired." pagpapalusot ko na sinabayan pa ng paghikab ng konti.

"I understand, babalik na din ako sa kwarto at matutulog. That's my gift for you. Sa sobrang busy kahapon ay nakalimutan kong ibigay sa'yo. Anyways, congratulations anak!" masayang bati sakin ni nanay.

"Thanks mom." I smiled back.

"I would like to thank you for following and obeying us. I know na gustung gusto mong-"

The Escaped FelonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon