May babaeng umiiyak
Humihingi ng tulong ngunit walang dumating
Humihingi ng saklolo ngunit lahat ng mata ay nakapiring
Walang maaring sumagip sa babaeng nababalot ng dilimMasakit makita na ang ina ay lumuluha
Sa pagkawala ng bagay na kanyang ginawa at pinaghirapan
Sa pagdanak ng dugo na hindi naman kinakailangan
Sa pagpatay sa kanyang mga anak na walang kasalananWalong sinag ng araw ay nawawala
Pagkakaisa ay naglalaho
Pagmamahal sa bayan ay gumuguho
Ang tanging umuusbong ay away at guloApat na lalaki ang gumahasa sa kanya
Isang Amerikano, Hapon at Espanya
Ngunit ang huli ang pinaka dumurog sa kanyang puso
Ang sariling niyang anak, bayan, at tao— isang PilipinoInang bayan ay nagmamakaawa
Sa mga nakatataas na itigil na kahibangang ito
Ngunit ang masakit ay ang mga may kapangyarihan pa ang nag-umpisa
Sa giyerang nagsimula sa mga pangako at salitaAming hiling ay hustisya
Ibalik ang kalayaan— aming pagmamakaawa
Mga kababayan tayo ay magka-isa
Sa pagbabalik ng kapayapaan at malasakit sa kapwa