Chapter 21 "Jaydee Alonzo"

212 2 0
                                    

So guys, para hindi lonely lonely si Alexa, bibigyan ko siya ng ka-loveteam dito. Hahahaha. 😍

--

ALEXA's POV

Pagkatapos ng klase namin, iniligpit ko kaagad ang mga gamit ko sa bag. As a class president, in-assist ko sila sa paglilinis ng classroom. Pero nagmadali din akong umalis kase pupunta pa ko ng library at manghihiram ng libro.

**

"Mam. Your ID was already punch. You can now choose your books." Nakangiting sabi sakin ng librarian. I smiled back at her at nagmamadaling pumunta sa 'Science Books' busy ako kakatingin sa iba't-ibang libro. Then, bam! I found it already. I was about to get the book when a bastard suddenly appeared at my sight and get the book. Nah. Napairap ako. Hindi ba obvious na nauna ko. Nginitian pa 'ko ng mokong at tumalikod. Hindi ko ma-take.

Kinalabit ko siya, "Excuse me. Wasn't that obvious na I'm about to pick that book up?" Mataray kong sabi. Aba bastos. Ni-hindi man lang ako nilingon! Sa sobrang inis ko, inalis ko yung sapatos ko at binato siya. Hah! Sakto sa ulo.

"Aray!" Narinig kong daing niya. He finally looked at me.

"What's your problem Miss?" Lalo akong napairap sa tanong niya.

"You! You are my problem--"

"Miss if you are one of my stalker just tell me ok? Hindi yung nagpapapansin ka jan." Pakiramdam ko umusok ang ilong ko sa inis. Stalker his face!

"Mr. Salvador! Ms. Ilacad! Labas ng library!" Nanghina naman ako sa narinig ko. Nag-walk out na lang ako. Nakakainis! Nakakainis! Walanghiyang lalake yon!

Napahinto ako ng may kumalabit sakin. Humarap ako. Pero sana hindi na lang. Lalo talaga naginit ulo ko.

"Sorry Miss." He said habang inaabot yung libro. Inirapan ko lang siya at tumalikod na lang ulit.

"Miss" no response.

"Miss" snob

"Miss" ok fine.

"Ok na. Just don't talk to me."

"Ha? Baket naman Miss? Ayaw mo ba ko maging kaibigan?" His puppy eyes.

"Ayaw." Sabi ko at inirapan siya.

"Ok.. Lahat naman kayo ayaw niyo sakin e." Napahinto ako sa paglalakad at lumingon ulit.

"Wala kase akong kaibigan." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kase una, hindi ko siya kilala. Pangalawa, wala kong alam sakanya kase hindi ko nga siya kilala. Pangatlo, anong sasabihin ko e hindi ko nga siya kilala?

"Be my friend." Nataas ang kaliwang kilay ko sa statement niya. Wow as in wow. Parang hindi siya humihingi ng pahintulot ko. Makapagsabi ganon ganon lang. Bago pa 'ko nakatanggi, hinila na niya agad ako. Pero nung moment na hinila niya yung kamay ko papunta kung saanman, bumilis ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan.

//

MIKA'S POV

Nasa mall kami ni Jai ngayon. Ewan ko biglang nagyaya ang isang to. Nakaka-awa naman kaya sinamahan ko na. Usual na namasyal at nag window shopping lang naman kami. Pero ewan ko. Hindi nakakasawa ang lalaking katabi ko ngayon.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya. Sinabi ko naman ang mga gusto ko at tumango siya tapos umalis para mag-order. Tahimik lang akong nakatingin sa bintana ng may kumalabit sakin.

"Mika / Kurt" sabay naming sabi ng lalaking nasa harap ko. Napansin kong tinanggal na ang mga bakal sa teeth niya. Mas gumwapo siya. Ewan ko pero nagmumukhang bakla ang mga lalaking may braces. Para sakin lang ah.

DIARY NG GIRLFRIEND NI NASH AGUAS <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon