A

2.4K 58 2
                                    

Kate's POV

Pero shet bawal umasa! Masakit umasa. Mas masakit pa yon sa break up.

Charr. Mas masakit pag tumama sa paa ng lamesa yung hinliliit mo sa paa.

"Jk? May dala ka pa palang papel tsaka ballpen kanina?" sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin na parang nagulat.

"Ha? Ah.. Eto? Hahaha oo nagdala ako. Nandito kanina sa bulsa ko. Akala ko kasi may susulatin dun eh." sabi niya.

Ahh.

Edi wow.

Umasa ko dun ng very light ah.

Mga two.

Two hundred percent.

-•-

Nakahiga na ako dito sa kama ko. Nakatingala sa kisame. Nagiisip kung sinong pwedeng magbigay sakin ng mga ganung letters.

Kung sino ba talaga si cookies n cream.

Hmm... Sino ba kasing pwede?

Baka naman kasi ibang lalaki? Na di ko close? Si Jm at Jk lang naman kasi talaga ang close ko eh.

Baka taga ibang section din?

Hays ewan!

Kinuha ko ang cellphone ko sa side table para magonline.

Bumungad agad sakin yung text ni Jk. Naka tatlong text na pala siya. Di ko kasi pinapansin eh. Iniisip ko si cookies n cream.

Jk bebelabs❤

Kat, sama ka sakin tom?

Please?

Bakit? Anong meron?

Weeksary kasi namin ni
Grace, yung gf ko.

Sus weeksary weeksary pa. Sa
monday another babae nanaman
kasama mo.

Hahaha! Dali na Kat, sama
kana please?

Ano bang gagawin ko pag sumama
ako?

Ipapakilala kita sa kanya eh.

Bakit? Kailangan pa ba yon?

Oo naman bestfriend kita eh.

"Putang--- UGGH! ANG SAKET NON AH! PUNYETA WALANG AWA TONG LALAKING TO AH!?" sigaw ko dahil sa walanghiyang reply sakin ni Jk.

Punyeta ah! PARA LANG DON IPAPAKILALA NIYA KO? KASI BESTFRIEND NIYA KO? NO DI PWEDE! NO NO NO!

Pilitin niya muna ako ehe~

Kat? Asan kana?

Ay slr. Pasenysa na ah. Mukhang
di ata ako makakasama sayo tom.
May lakad kasi kami ni Kyla eh.

Huh? Sige na Kat. Please?

Tsk. Bawal talaga eh. Naka-oo na
ako kay Kyla.

Ano ba naman yan Kat eh!
Dali na, weekend naman tom eh.
Sunduin kita diyan tapos hatid
din kita pauwi. Libre ko na
foods. Starbucks? Fav mo yon
diba? Sige na... Please??

Letters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon