r

2.3K 55 1
                                    

"Pinapabigay niya." nanlaki ang mga mata ko lalo na nung ibigay niya yung sulat. Wait, kilala niya si cookies n cream?

"K-kilala mo si cookies n cream?" tanong ko sa kanya.

"Nope. Kahapon nung binigay niya sakin yan, naka hoodie siya tsaka naka mask. Di ko na siya natanong. Tumakbo agad eh." sabi niya. Shet sayang! Tsk tsk

"Dapat hinabol mo!" sabi ko at napakamot nalang sa ulo ko bago kunin yung sobre. Tinago ko yun sa bag ko. Mamaya ko na basahin.

"Bakit naman ako magpapkapagod para lang dun?" oo nga naman no?

Nagpapalit nalang ako ng tokens para makapaglaro na.

Dumiretso ako sa claw machine na puno ng mga bears. Dito nanaman mauubos mga token ko eh.

"Ang hirap niyan, kaya mo ba?" tanong niya.

"Oo naman. Tiwala lang!" sabi ko aka tumawa.

Sinimulan ko nang magpasok ng dalawang token saka pinaandar ang machine.

Taeng to, pag di ko to nakuha babaragin ko to.

Nang makatapat na sa kukunin kong bear yung claw ay pinindot ko na ang button para makuha ito.

Nakuha ito at dahan dahang tumaas. Pero nagulog din dahil masyadong madulas yung bear.

Punyeta naman oh! Yun na yun eh!

"Punyeta." sabi ko. Narinig kong tumawa si Jk pero di ko siya pinansin.

Inulit ulit ko pang kumuha pero fail. Halos ilang beses narin ako nagpapalit ng token at naubos lang lahat sa wala. May natitira nalang na dalawang token.

Piste ayoko na. Naubos na barya ko.

"Tara na nga. Sa iba nalang tayo maglaro." sabi ko.

"Oh? Akala ko ba tiwala lang? Hahahaha suko kana?" tanong niya sabay tawa. Nangaasar ata to eh. Hindi niya ba nakikita yung hirap ko na kumuha ng bear don!?

"Nawalan na ako ng tiwala eh. Tsaka hindi mo ba nakita yung sobrang hirap na dinanas ko diyan? Naubos na yung mga barya ko pero ni isa wala man lang akong nakuha!" sigaw ko na halos magtinginan na kami ng mga tao kaya tumigil na ako.

Umiling siya tsaka tumawa. You dont feel meh Jk. So stahp laughing at meh.

-•-

Nakailang laro din kami sa arcade na pinuntahan namin. Pero nagutom na ako kaya pumunta kami sa starbucks. Kaso ayaw niya don. Kaya eto, sa jollibee bagsak namin.

Kasalukuyan kaming kumakain.

Siya spaghetti.

Ako naman chicken with spaghetti with float with fries with burger.

Take out yung burger bessy. Hahahah okay share ko lang :)

"Bakit kaya hindi ka tumataba?" tanong niya bigla kaya napatingin ako sa kanya.

"In born na kasi pagiging sexy ko." sabi ko kaya natawa siya.

"Mas sexy pa sayo si Grace eh." sabi niya. Aba aba--

Okay lang, walang nagseselos. Di ako nasasaktan. Tae okay lang! Di masakit.
Hindi talaga promise :)

"Share mo lang?" tanong ko kaya nawala ang ngiti niya sa mukha at sinamaan ako ng tingin.

"Nagsasalita ako ng matino dito Kate ah." sabi niya sabay subo.

"So say mo lang?" tanong ko ulit. Babarahin ko to. Kala mo ah? Masakit kaya yung ginawa mo!

Ay hindi, okay lang pala ako.

"Tss..."

"Pake ko kasi diyan sa Grace mo?"

"Wala. Sinasabi ko lang naman na sexy siya."

"Sus... Sexy? Baka naman buto buto."

"Aba't-- wow ah! Mas buto buto ka pa kesa dun!"

"Duhh! Edi buto buto nga siya."

"Maganda naman."

"Dyosa ako."

"Magaling siya sumayaw."

"I can dance, i can sing."

"Magaling magluto."

"I can also cook. Mas masarap pa sa mga niluluto niya. Baka nakakalimutan mong anak to ng chef?"

"Basta maganda't sexy siya."

"Akala ko ba break na kayo niyang Grace nayan? Bakit nasama yan dito sa usapan naten?" tanong ko. Natahimik siya at di na sumagot.

Tinapos ko na kumain. Siya din saka umuwi na kami. Mag gagabi narin kasi.

Hinatid niya na ako sa bahay.

"Salamat ng marami. Nag enjoy ako." sabi ko pagkalabas sa kotse niya.

"Me too. Goodnight. Sleep well." sabi niya tsaka pinaandar ang kotse.

Binukasan ko na yung gate saka pumasok sa loob.

Papasok palang ako sa pintuan ko kaso biglang may nagdoorbell. Sino yun?

Pagbukas ko, wala namang tao.

Pero pagtingin ko sa sahig, may teddy bear tsaka sobre.

Wait, eto yung teddy bear na pilit kong kinukuha kanina sa claw machine ah.

Agad kong pinuloy yon saka pinasok sa loob.

Pag pasok ko ay binasa ko agad yung letter.

Dear Kate,

                    Hi Kate! Kanina pala nakita kita sa mall kasama mo si Jk. Sinundan ko na din kayo. Nakita kitang nahihirapan na kunin tong teddy bear sa claw machine. Kaya pag alis niyo don sinubukan kong kunin yun.

                    Hahaha butu nga nakuha ko tong bear eh. Kahit na sobrang hirap.

                    Sana natuwa ka sa regalo ko. Goodnight.

Your secret admirer,
Cookies N Cream

Wait, grabe, nagpakahirap siyang kunin yung bear para lang sakin? Sheeet shet shet shet kinikilig akooo hahahaha!

Naalala ko, may sulat pa pala siyang gustong ibigay sakin.

Kinuha ko yung bag ko at kinuha don ang sulat.

Dear Kate,

                    Hi Kate? Ahm... Wala lang naman tong sulat na to. Hahaha, pero hindi kasi ako mapakali eh. Gusto kong sinusulatan kita. Hahaha

                    Siguro nagtataka ka na kung sino talaga ako no? Kung sino talaga si Cookies N Cream? Hahaha

                    Huwag kang magalala, magpapakilala din ako sayo. Malapit na. Pero ngayon, isipin mo muna kung sino ako. Kung sino ba talaga si cookies n cream...

Your secret admirer,
Cookies N Cream

Shet pano yon? Punyeta kung alam niya lang! Pumuputok na mga brain cells ko kakaisip kung sino siya.

Pero kailan siya magpapakilala? Pag end of the world na?

Jusko naman, parang awa, konti nalang sasabog na utak ko.

Sino kaba talaga Cookies N Cream!?

Letters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon