o

2.1K 52 6
                                    

Kate' POV

3 days later...

Seryosong nanunuod ako dito sa bahay ko habang may hawak na popcorn.

Ang boring.

Sobrang boring.

Napaka boring.

Wala na akong magawa dito sa bahay! Mygas! Anueba? Gusto ko nang pumasok sa school.

Nabuburyo na ko dito sa bahay.

Puro nalang nood movie. Cellphone. Gawa assignments tapos tuturuan ako ni Kyla. Kain. Tulog then repeat

Gets niyo? Nahihirapan na ko.

Hays.

Namimiss ko na pumasok!

Namimiss ko na siya..

Kinuha ko ang phone ko para tignan kung may notification ba.

Meron nga. At puro messages niya nanaman.

3 days na ang nakaraan nang mabugbog ako. Naghilom na yung ibang sugat at pasa ko.

At 3 days na rin akong umiiwas sa kanya. Di ko siya nirereplyan sa mga messages niya. Di ko inaaccept ang mga tawag niya at di ko din siya pinagbubuksan ng gate everytime na pinupuntahan niya ako.

Kilala niyo naman na siguro kung tinutukoy ko diba?

Mas mabuti na din to, para di niya ko makitang ganito. Ayokong kinakaawaan ako.

Tinignan ko ang messages niya.

Kat?

Katkat?

Katakatkat?

Huy?

Bakit siniseen mo lang tong mga messages ko sayo?

Magreply ka naman.

Miss na kita..

**namin. Sorry typo.

Hindi mo na nga sinasagot mga tawag ko pati ba naman dito sa chat?

Ayaw mo pa ko pagbuksan ng gate mo. Tsk.

Ano bang nangyayari sayo?

Pumasok kana bukas please.

Please...

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi na ako makapagpigil. Gusto ko na siya ichat. Kaso hindi naman pwede dahil kapag nareplyan ko na tuloy tuloy na yon.

Anong gagawin ko? Miss ko na din siya.

Hays miss pa sa miss.

Tinignan ko ang orasan.

12:30 na. Tinatamad pa ko maglunch.

Hays, pakamatay nalang kaya ako?

Charr lang, aanakan pa ko ni Jk.

Charot lang hehi.

-•-

"So yan, ilalagay mo siya dito and then after that ididivide mo dito. Tapos yung quotient diyan yung final answer." pagtuturo ni Kyla sa math equation na pinagaralan nila kanina.

Tumango tango ako. Naintindihan ko naman.

"Kamusta sa room?"tanong ko sa kanya.

"Okay naman. As usual, maingay, magulo at makalat." sabi niya at mahinang tumawa. Ngumiti ako, kahit tatlong araw lang gustong gusto ko nang pumasoook!

Letters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon