Chapter 2

2.5K 71 0
                                    

Skye's POV.

Akala ko tapos na siya sa pagkukuwento pero nagulat ako nang magpatuloy siya ulit matapos na punasan ang kaniyang luha kaya nakinig ulit ako.

“So, ‘di ba nga nakikitira lang ako kila tita, kailangan ko rin magbigay para sa mga gastusin sa bahay kaya nagtra-trabaho ako kapag gabi.”

“Anong oras ka na nakakatulog niyan?”

“Hmm… minsan pagkauwi ko diretso tulog na ‘ko dahil sa pagod tapos minsan tatlong oras o kaya limang oras lang ang tulog ko dahil may pasok pa sa school.”

“Bakit? Paano mo nagagawa yung ibang gawain mo kung puro trabaho ka pala sa gabi after class?” sakto pagkatanong ko no’n ay biglang tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang oras ng recess.

“Sa susunod na lang siguro ulit ako magku-kuwento, time na eh.”

Tumango na lang ako bilang tugon kahit na gustong-gusto ko nang malaman ang sagot, but I respect her decision kaya maghihintay na lang akong magkuwento siya ulit.

Uwian namin ay dumiretso ako sa parking lot para magtungo sa kotse ko. Nag-drive na ‘ko palabas pero naraanan ko si Raine na naglalakad kaya binusinahan ko siya at saka sumilip sa bintana.

“Raine!” pagtawag ko sa kaniya.

“Oh. Kai,”

“Kai?” kunot ang noong tanong ko.

“Hehe, ginawan kasi kita ng nickname, Kai is short for Skye.” nakangiti niyang sabi.

“Thank you, Raine… oh! By the way, hatid na kita.”

“Ha? N-Naku! Huwag na nakakahiya, maglalakad na lang ako. Salamat,"

“Tsk. Ano ka ba, okay lang! Kaysa naman mahirapan ka pang maglakad diyan,”

“Hindi, okay lang talaga ako. Sanay na rin naman akong maglakad,”

“Saan ka ba nagwo-work? Hatid na kita roon.”

“Kai, huwag na talaga… okay lang ako.”

Napabuntong-hininga ako at lumabas ng kotse. Umikot ako sa kabila upang buksan ang pinto bago siya tinignan at nagsalita.

“Please?”

Napabuntong-hininga na lang din siya at saka sumagot. “Sige na nga,”

Napangiti ako nang maglakad siya palapit sa akin at pumasok sa loob ng kotse. Pagkasarado ko ng pinto ay bumalik na ‘ko sa driver’s seat at muling isinuot ang seatbelt.

“Ikabit mo na yung seatbelt mo,”

“Uhm… hindi ako marunong, hehe. Paano ba?”

Nilingon ko siya at tinuruan siyang ikabit ang seatbelt.

“Okay ka na?”

Ngumiti naman siya at tumango. “Salamat,”

“Saan ba yung working place mo?”

“Doon sa Nathan's Coffee Shop, waitress ako ro’n.”

“I see, makapasyal nga nang madalas diyan.” pinaandar ko na ang kotse at nag-drive papunta sa working place niya.

“Bakit? Nakakahiya naman na makita mo ‘kong nagtra-trabaho roon.”

I chuckled. “Bakit mo naman ikakahiya yung trabaho mo? Huwag mong ikahiya dahil marangal naman ang trabaho mo,”

“Alam ko naman, pero kasi…”

“Oh sige, paminsan na lang ako bibisita sa coffee shop basta special ang ise-serve mo sa akin, ah?”

Torpe [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon