Special Chapter

2.4K 115 18
                                    

Skye's POV.

                          Ito... Ang araw na pinakahihintay ko. Nandito ako sa kuwarto ko, kinakabahan na nae-excite. Naligo nako at nagbihis.

*tok tok tok*

                          Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang katok na yun.

"Anak, ready ka na ba?" nginitian ko si Mom nung pumasok siya sa kuwarto ko.

"Yes Mom, hmm... Medyo kinakabahan lang." natawa siya.

"Normal lang ang kabahan." huminga ng malalim si Mom at inayos ang necktie ko.

"Alam mo, Skye... I'm so happy for you." nginitian ko siya.

"Masaya rin ako Mom, sobrang saya." nginitian niya ko ng malaki.

"Halika na, pupunta na tayo sa simbahan." tumango ako at sumunod sa kaniya palabas.

                              Sumakay na kami sa kotse at dumiretso sa simbahan. Pagkadating namin, huminga ako ng malalim bago bumaba sa kotse.

"Ready ka na ba anak," napatingin ako kay Dad.

"Yes Dad. Kibakabahan lang."

"*chuckle* Ganyan din ang naramdaman ko noon. Pero ang kapalit ng kaba mo na yan, ay sobrang saya."

"Talaga Dad?"

"Hm. Sa una lang yang kaba." nginitian ko siya at pumasok na kami sa loob.

                           Habang patagal nang patagal ay mas lalong lumalala ang kaba ko. Pero nung nakita ko na si Raine na dahan-dahang naglalakad papunta sa altar... Tumibok ng mabilis ang puso ko, nanlalambot ang tuhod ko at parang gusto nang tumulo ng luha ko.

                            Diretso ang tingin niya sakin at sobrang laki ng ngiti... Halata sa kaniya ang sobrang saya. Sinalubong siya nila tita Katrina at tito Victor.

"Ingatan mo ang anak ko ah." sabi ni tito Victor sakin.

"Gagawin ko po, kahit hindi niyo na sabihin." nginitian niya ko at tinapik sa balikat. Inabot niya sakin ang kamay ni Raine at naglakad na kami paharap sa altar.

                           Nagsimula na ang seremonya ng kasal at nanatili sa akin ang kaba. Pero mas nangingibabaw ang matinding saya.

"I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss your bride." nginitian ko siya ng malaki at itinaas ang belo niya.

                         Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kaniya at sinimulan siyang halikan. Narinig ko ang palakpakan nila at hindi ko naitago ang ngiti ko pagkabitaw sa halik.

"Mabuhay ang bagong kasal!!!" sigaw nila pagkalabas namin sa simbahan. Binato ni Raine ang bulaklak niya nang patalikod at hindi namin kilala kung sino ang nakasalo.

                         Sumakay na kami sa kotse at pumunta sa reception para doon ipagpatuloy ang celebration.

(A/n; Hindi ko po alam yung nangyayari at ginagawa sa reception kaya po napagdesisyunan ko na i-skip nalang, sana po maintindihan niyo. Hehe)

                          Dumiretso na kami sa hotel pagkatapos ng celebration sa reception.

"Kai..." tawag sakin ni Raine.

"Hm?" sagot ko. Nakahiga na kami ngayon tapos na kami maligo at magpapahinga nalang dahil sa pagod.

"Biruin mo, kasal na tayo't lahat wala parin tayong endearment sa isa't-isa." natawa ako sa kaniya, nakayakap siya sakin at nakaunan siya sa dibdib ko.

Torpe [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon