Chapter 10

1.5K 48 5
                                    

Skye's POV.

Dalawang linggo ang lumipas, matatapos na ang ginagawa nilang movie trailer.

From: Gina

Skye, pinadala ko na yung flashdrive ko kay Raine, siya kasi yung nakakaalam ng bahay niyo e. Nasa flashdrive lahat ng video, bahala ka na mag edit. Alam mo naman yung pagkakasunod-sunod ng scene e.

At! Nagkamali ako dahil tapos na pala nila. Pero bakit si Raine yung maghahatid dito??? Urgh!

*tok tok tok*

"Sir? May bisita po kayo sa baba."

"Sige po pababa na ko." bumaba na ko pagkatapos kong itabi ang cellphone ko.

"Nasaan yung flashdrive?" bungad ko.

"Ito." binigay niya sakin yung hawak niyang flashdrive.

"Salamat." tinalikuran ko na siya pero hinawakan niya ko sa braso.

"Kai... Mag-usap naman tayo." napapikit ako. Hindi parin ako humaharap sa kaniya.

"Kai naman... Nami-miss ko na yung kaibigan ko." humarap ako sa kaniya.

"Well, I'm not your friend anymore." tinalikuran ko siya at nagtuloy na sa pag-akyat sa kuwarto ko.

Uso rin naman mag let go diba? Nakakapagod nang maging mabait, subukan ko naman kayang maging cold at snob.

Raine's POV.

Pinahatid sakin ni Gina yung flashdrive kila Kai. Sana makausap ko na siya. Nag doorbell na ko at may lumapit naman agad sakin.

"Yes ma'am? Bakit po?"

"Uhm, nandiyan po ba si Skye?"

"Ah! Si sir po? Opo. Teka, tatawagin ko. Pasok po muna kayo."

"Ah hindi na, dito nalang ako. Hindi rin naman ako magtatagal e."

"Ah sige po, tawagin ko lang po siya." tumango nalang ako bilang sagot.

"Nasaan yung flashdrive?" bungad niya sakin pagkababa niya. Ang cold ng pananalita niya, parang hindi na siya yung Skye na kilala ko... Parang ibang tao na siya.

"Ito." binigay ko sa kaniya yung flashdrive.

"Salamat." tumalikod na siya sakin pero hinawakan ko ang braso niya.

"Kai... Mag-usap naman tayo." nanatili pa rin siyang nakatalikod sakin.

"Kai naman... Nami-miss ko na yung kaibigan ko." humarap siya sakin.

"Well, I'm not your friend anymore." tinalikuran niya ko at umakyat na.

Para akong napako sa kintatayuan ko ngayon, hindi ako makagalaw. Totoo ba yung sinabi niya? 'Well, I'm not your friend anymore' napaluha ako, ng paulit-ulit na nag p-play ang huling sinabi niya sakin.

"Iha?" napatingin ako sa nagsalita.

"Why are you crying?" tanong ng Mom ni Kai. Umiling ako sabay ngumiti.

"Alis na po ako." sabi ko at lumabas na ng gate nila. Pinunasan ko ang luha ko at sumakay na ng taxi.

Kasalanan ko rin naman. Ang laki ko kasing tanga, kaya lagi akong iniiwan kasi hindi ko sila kayang pahalagahan.

Skye's POV.
Sinaksak ko na sa laptop ko yung flashdrive. Pero hindi ako makapag concentrate dahil lumilipad nanaman yung isip ko.

Torpe [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon