Chapter 5

1.9K 64 3
                                    

Skye's POV.

Naligo na ‘ko at nagbihis. Pagkatapos ay sumakay na 'ko sa kotse ko at pinaandar upang sunduin si Raine sa Coffee shop ni Tito Joseph.

Kailangan kong tumupad sa kung anong oras ang usapan namin dahil ayoko siyang paghintayin nang matagal.

Pagkababa ko ng kotse ay pumasok na rin agad ako sa shop. Nakita ko siya na nakaupo at naghihintay sa isang table habang nakatingin sa kung saan.

“Miss, pa-order.” marahang wika ko pagkapuwesto sa likuran niya. Gulat naman siyang lumingon sa akin at saka ngumiti.

“Nandiyan ka na pala! Kanina ka pa sa likuran ko?” tugon niya matapos na magmadaling tumayo at kinuha ang bag na nakapatong sa table.

Umiling ako. “Hindi, kararating ko lang. Ikaw, kanina ka pa ba naghihintay?”

“Hindi. Mga 10 minutes pa lang din bago ka dumating.”

“I see,” ngumiti ako at inilahad ang aking braso. “Let's go?”

Tumango naman siya at kumapit sa braso ko habang nakangiti.

“Tara.” sang-ayon niya.

Lumabas na kami sa Coffe Shop at sumakay sa kotse ko.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya.

“Mm... sa mall.”

“Ha? M-Mall? Eh, 'di ba malawak doon? Baka mawala ako!” nag-aalalang wika niya na bahagya kong ikinatawa.

“Ano ka ba, hindi ka mawawala roon basta kumapit ka lang lagi sa akin.”

“Ayy wow. Ano ka, tatay ko?”

“Mm... pwede rin. But I want to be called as Daddy.” pabulong na usal ko sa mga huling salita na binitawan ko. It was meant to be a joke, though.

“Ha?”

I laughed. “Nothing.”

Ngumuso siya at saka pinagkrus ang mga braso sa kaniyang dibdib.

“Window shopping lang ako ah. Wala pa kong suweldo e.”

“No problem, Missy.”

Matapos ang ilang minuto ng pagmamaneho ay nakarating na rin kami sa pupuntahan namin. Nag-park ako sa parking area bago kami bumaba mula sa kotse.

Pagkapasok namin sa loob ay kapit na kapit siya sa braso ko.

“Wow...” bulalas niya nang makita ang kabuuan ng lugar-pasyalan.

It was kinda cute, parang bata na dinala ng ama niya sa palaruan.

“First time mo bang makapunta rito?”

Sunod-sunod ang naging pagtango niya habang busy pa rin sa paglinga sa paligid. I can sense her happiness and I bet her eyes are sparkling with joy right now.

Lihim akong napangiti habang nakatitig sa kaniya.

“Halika na nga.” pag-aaya ko.

“Saan tayo pupunta?” inosenteng tanong niya.

“Basta,” tugon ko na lang saka siya hinatak papunta sa bilihan ng mga damit. 

Pagkapasok namin doon ay dumiretso kami sa Ladies wear section. Hinayaan ko siyang mag-ikot upang magtingin ng mga damit na type niya.

“Uy! Ang daming damit,” wika niya.

“Magtingin ka lang diyan ng gusto mo, magtitingin lang din ako doon sa—”

“Iiwan mo 'ko rito? Baka mawala ako kaya mamaya ka na pumunta roon! Baka mamaya malingat lang ako tapos hindi na kita mahagilap,” halos naiiyak na sambit niya. Lihim naman akong napangiti na sinusubukan ko rin namang pigilan.

Torpe [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon