44

625 38 16
                                    

Jenna

Andito na ako sa coffee shop malapit sa subdivision namin, inaantay ko si Haknyeon. Naka-order na ako para sa'ming dalawa. Alam ko naman yung laging inoorder niya kapag pumupuntang coffee shop.

Maya-maya lang ay dumating na siya, nakangiti siya sa'kin habang naglalakad papunta sa pwesto ko.

Pagkaupo niya, natahimik kami.

"Parang alam ko na yung sasabihin mo." Sabi niya.

"Ano?"

"Is it about Jaehwan?"

Nabigla ako, hindi ko alam at bakit pero naiiyak ako.

"Sabi na eh." Sabi niya. Tinitigan niya lang ako habang tumutulo yung luha ko

"You love him." Sabi pa niya.

It's not a question. Sinabi niya lang. Mukhang mas nauna pa siyang maramdaman 'yon kesa sa'kin mismo.

"I'm sorry Haknyeon."

"I should be the one saying sorry here, not you." Sabi niya at pinunasan yung luha ko, "I'm sorry Jenna. Sorry kung tinake advantage kita. Nung nag-I love you too ka sa'kin no'n nung nakaraan, naramdaman kong hindi na sincere 'yon. Sorry kung niloko kita dati, sobrang immature ko no'n. Pero trust me, minahal kita Jenna. Nung nawala ka na, dun ko narealize na mahal pala talaga kita at sobra akong nanghinayang kaso ano magagawa ko? Nakasakit na ako? Sorry talaga. Alam kong hindi sapat yung sorry ko pero hayaan mo nalang ako bumawi sa'yo. Hindi na kita papahirapan. I'm letting you go, Jenna. Believe me, I still love you pero you're not happy with me anymore. You're not the same old Jenna that loves me. Dumating na yung araw na kinakatakutan ko, yung hindi na ako yung mahal mo. Pero kasalanan ko naman kasi, ang gago ko kaya deserve ko 'to."

"Haknyeon.." sabi ko. Sobra na akong naiiyak. Ngumiti siya at hinawakan yung kamay ko.

"Hey, it's okay. You're free now. 'Wag ka lang talagang sasaktan ni Jaehwan-hyung kasi babawiin kita sa kanya." He chuckled, "Pero alam kong hindi niya gagawin 'yon. Thank you sa lahat Jenna, maraming maraming salamat at sorry talaga."

"Thank you, Haknyeon." Sa sobrang iyak ko, 'yan lang nasabi ko.

"Aalis na ako ha?" Sabi niya

"Wait, dito ka muna. Umorder ako ng fave mo oh. Masasayang lang." Sabi ko habang pinupunasan luha ko.

"Iuuwi ko nalang 'to. The longer I look at you, the more painful it becomes, Jenna. Baka umiyak pa ako dito eh." He joked. "Thank you for this."

"Are we still friends?" Tanong ko

"Oo naman. Pero hayaan mo muna akong lumayo sa'yo ngayon."

I nodded. He offered his hand for a handshake, I took it and smiled. "Thank you ulit." Sabi ko.

"No worries. Don't hesitate to message me kapag kailangan mo nang kausap."

I nodded.

"Bye, Jenna." He said then walked away.

Para akong nabunutan ng isang malaking tinik pero sobra rin akong nasaktan. Hayy 'di ko na alam.

Tulala ako nang biglang may pumasok sa cafe na sobrang familiar.

Jae Ra

Napatingin siya sa'kin at ngumiti. Dali-dali akong tumayo at aalis na sana kaso hinarang niya ako

"You look very familiar. Are you Jenna?"

"Ako nga."

"Ang ganda mo pala talaga. I stalked your accounts and I got fascinated by your beauty, no wonder ganon ang epekto mo kay Jaehwan. Sayang you don't feel the same way, bagay sana kayo."

Kinilabutan ako sa sinabi niya kaya nagpaalam na ako at dali-dali nang umalis.

Epekto ko kay Jaehwan? I don't feel the same way? Bagay sana kami? Bakit? Ano ibig sabihin no'n?

❝ secret keeper ❞ ➳ k.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon