39

603 36 4
                                    

( a/n: super long chapter aheaaaad hihi )

Jae Ra

Masaya ako kasi okay na kami ni Jaehwan-oppa. Ang problema ko nalang ngayon ay yung mga kaibigan niya.

Kaso, mas problema ko kung pa'no ihahatid pauwi 'tong lasing na lasing na si Jaehwan.

"Oppa, kaya mong tumayo?"

No response.

Aish, ayoko na nga ayain uminom 'to.

Dali-dali akong nagbayad at tumawag ng taxi, nagpatulong na rin ako sa driver para mabuhat papasok ng taxi si Jaehwan.

Habang papunta kami sa bahay nila Jaehwan, napatitig ako sa kanya.

I used to love this man. Kahit na sobrang gago ko dati, minahal ko pa rin naman siya. I mean, sino ba ang hindi mamahalin ang isang Kim Jaehwan? He's so precious.

Alam kong wala akong karapatan pero naiinis ako kay Jenna. Nakikita ko kasi yung sarili ko sa kanya dati. I'm 3 years older than them.

Nakwento kanina ni Jaehwan si Jenna at mahahalata mo talaga kung gaano kamahal ni Jaehwan si Jenna.

Kapag talaga nakita ko 'yon si Jenna, kakausapin ko talaga 'yon. Yung makokonsensya siya ganon kasi alam ko na yung ganon eh. Been there, done that.

Nung makarating kami sa bahay ni Jaehwan ay alam kong walang magbubukas dahil siya lang naman mag-isa sa kanila kaya I decided to go to Maggie's house. Siyempre, nagbayad muna ako para sa taxi.

Nagdoorbell ako ng ilang beses, after few seconds ay si Sungwoon-oppa ang nagbukas ng pinto. Nanlaki yung mata niya ng makita niya ako

"Jae Ra? Ano ginagawa mo dito? Anong oras na ah?"

"Mamaya na ako mageexplain, patulong muna ako, lasing na lasing kasi si Jaehwan-oppa." Sabi ko at tinuro yung taxi cab, dali dali siyang pumunta do'n at inalalayang ipasok si Jaehwan sa loob, sinenyasan niya naman ako na sumunod.

Pagkapasok ko sa loob, nadatnan ko si Maggie, at Ayhessa.

"Ano nangyare kay Jaehwan?" Mataray na tanong ni Maggie

"Please let me explain?" Tanong ko. Magsasalita pa sana si Maggie kaso biglang tinakpan ni Sungwoon-oppa yung bibig niya. "Sige." Sabi pa niya

"The reason why I came back here in Korea was Jaehwan. Nung nagpunta ako sa Canada, I realized how stupid I was. Sobrang tanga ko, sobrang gago ko. Sobra rin akong nagsisi sa ginawa ko kay Jaehwan. Habang nasa Canada ako, I met someone who played a huge part on my life. I learned to be mature. Gusto ko na talaga magbago, at hindi makukumpleto yung pagbabago ko nang hindi ako nakakahingi ng tawad kay Jaehwan at sainyo."

Tinaasan ako ng kilay ni Ayhessa, "Eh ano nangyari kay Jaehwan?"

"Broken hearted yata eh."

"Gaano ka ka-sincere?" Tanong ni Maggie nung natanggal ni Sungwoon-oppa yung pagkakatakip sa bibig niya.

"Sobrang sincere. Please do accept my apology. Sobra akong nagsisisi."

"Okay. Apology accepted." Sungwoon-oppa said

Napatingin ako kay Maggie and Ayhessa, "My baby girls, eonnie missed you so much. Patawarin niyo na ako, please?"

Maggie sighed, "Alam na alam mong hindi kita matitiis eh 'no?" Sabi niya sabay yakap sa'kin. Yumakap na rin sa'kin si Ayhessa

"We missed you too, eonnie." Sabi ni Yhessa.

"Thank you. Thank you sobra."

Natigil yung pagmo-moment namin nang magsalita si Jaehwan habang tulog, "Jenna... Jenna I miss you..."

Natawa kami, "Ganyan ba si Jaehwan kapag broken hearted?" I asked

"Gusto mo ba malaman kung gaano ka-broken hearted si Jaehwan nung iniwan mo?" Biro ni Sungwoon

"Heh! 'Wag na." Sabi ko. Nagtawanan naman kami.

"Jenna..." sabi ulit ni Jaehwan

"Kawawa naman ang isang 'to. Sandali lang, dalhin ko lang sa kwarto." Sabi ni Sungwoon

"Dun mo na dalhin sa kwarto ko, para mabantayan natin mamaya."

"Natin?" Tanong ni Sungwoon

"Oh bakit? 'Wag mo sabihing dun kayo matutulog ni Ayhessa sa guest room? Hindi! Tabi-tabi tayo sa kwarto! Katabi mo si Jaehwan!" Sabi ni Maggie. Nagkamot naman ng ulo si Sungwoon

"Asar. Walang palag." Sabi ni Ayhessa

"Oo na aish." Sabi ni Sungwoon at inakay na papuntang kwarto ni Maggie si Jaehwan

"Glad you came back with a good heart." Sabi ni Ayhessa

"Aba? Bakit? Hindi ba ako good heart dati?"

"Hmm. Medyo?"

"Ah ganyan?" I asked. Nagtawanan kami.

"Alam mo na siguro yung about kay Jenna?" Maggie asked

"Oo naman. And hindi ako babalik ng Canada hangga't hindi ko nakikitang masaya si Jaehwan." Sabi ko

"Ano balak mo?" Ayhessa asked

Balak ko? Hmm..

Si Jenna, kay Jenna lang iikot buong plano ko.

**
note: yueieieiei long chapter hehe. 'di ko na nilagyan ng oppa yung iba, nakakatamad magtype 'no HAHAHAHA

sorry i wasn't able to update earlier, nagkasakit na naman kasi ako hahahaha sakitin aq sorna, wala ayon share ko lang.

❝ secret keeper ❞ ➳ k.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon