Prologue

32 2 0
                                    

© smaragd007


"Baby, anak, halika muna rito sa lilim"

     Saglit na napatigil sa ginagawa si Xavier nang marinig ang pagtawag na iyon ng kanyang ina.

     "Mamaya na, 'Ma!" sigaw niya, saka muling itinuon ang atensiyon sa hawak na plastic shovel at sa puting buhangin. Pakanta-kanta pa siya habang naghuhukay. "Can you feel the love tonight~"

     Kailangan niyang bilisan ang kilos niya. Kailangan niyang magmadali dahil bukas ay babalik na sila sa bahay nila sa Cebu at marami pa siyang buhanging huhukayin.

     Iyon ang unang beses na nakapunta siya sa beach kaya noon lang niya nalaman na ganoon pala karami ang buhangin doon. Sana pala, iyong mas malaking shovel ang ipinagbili niya sa mama niya nang mag-shopping sila ng dadalhin sa outing. Ang akala kasi niya ay puwede na iyong pinili niya dahil sabi ng papa niya sa kanya ay "Small Sand Beach Resort" daw ang pangalan ng pupuntahan nila.

     Kaya siya naghuhukay ay dahil naghahanap siya ng pugad ng mga sea turtles. Ang sabi kasi ng Teacher Jennie niya ay sa buhangin daw nangingitlog ang mga iyon.

     "Class, did you know na daan-daan kung mangitlog ang sea turtle o pawikan?" natatandaan pa niyang sabi nito.

     Ang alam niya, kapag sinabing daan-daan, ibig sabihin maraming-maraming-marami. Kung ganoon, hindi na siguro mapapansin ng Mommy Turtle kung kukuha siya ng isang egg. Isa lang naman. At saka, aalagaan naman niya iyon nang mabuti gaya ng gingawa sa kanya ng mama niya.

     Gagawin niyang pet iyong Baby Turtle kapag naghatch na iyon. Nasa room pa naman niya ang bowl ni Bruce. Doon niya balak ilagay ang turtle, pagkatapos, ipapatong niya sa mesa sa tabi ng kama niya iyong bowl.

     "Bruce" ang ipinangalan niya sa pet goldfish niya. Isinunod niya iyon sa pangalan ng paboritong superhero niya na si Bruce Banner o mas kilalang si "Hulk".

     Last summer vacation, p-in-lush ng mama niya sa toilet si Bruce. Masamang-masama ang loob niya noon. Muntik na nga siyang umiyak kaya lang naalala niya ang sinabi ng papa niya sa kanya. Big boys dont cry daw at dahil magse-seven years old na siya, ang ibig sabihin ay big boy na siya kaya hindi na siya puwedeng umiyak. Sa halip ay tinanong na lang niya ang kanyang mama kung bakit nito f-in-lush sa toilet ang pet niya.

     "Kailangan na kasing pumunta sa pet heaven ni Bruce, anak" ang naging tugon nito.

     Alam niya kung nasaan ang heaven, nasa sky iyon. Iyon ang sabi sa kanya ng mama niya two years ago nang minsan ay yayain niya iting dalawin ang favorite lola-mami niya. Nami-miss na niya kasi si Lola Celia.

     "Hindi puwede, Xav, anak. Masyadong malayo ang heaven."
   

   "May car naman po tayo, 'Ma," katwiran niya. "Sabihan mo si papa na i-drive niya tayo roon."

      Alanganing maluluha, alanganing mangingiti ang mama niya nang tumugon ito. " Nami-miss ko na rin si Mama, I mean, ang Lola Celia mo at pati na rin ang Lolo Francis mo kaya lang hindi natin sila puwedeng puntahan, anak. Hindi pa."

     "Bakit 'di puwede?"

     " Do you know where heaven is, baby?"  sa halip na sumagot ay balik-tanong nito.

     Nang umiling siya ay kinuha nito ang kamay niya at itinuro iyon sa labas ng bintana ng kanyang kuwarto, sa direksyon ng langit.

     "It's way up there, Xav. We can't go to heaven without Papa Jesus and only He can tell us when it's time for us to go there. Hangga't hindi pa natin panahon, hindi muna natin maaaring puntahan ang mga lolo't lola mo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be My ValentineWhere stories live. Discover now