TOBYHindi ako nakatulog sa kakaisip nang gabing iyon kaya ang ending, tanghali na ako nagising kinabukasan. Mabuti na lang at hindi ako binulabog ni Mama dahil sila rin mismo ay late ng nakabangon.
Iyon lang ay muli niya akong tinanong kung bakit nawala ako ng ilang oras kagabi sa party. Siyempre, pinandigan ko ang naging rason ko na nakipagtsismisan ako sa mga kasambahay doon.
This time, mukhang nakumbinsi ko na siya pero sa tingin ko, nasesense pa rin niya na nagsisinungaling ako. Hindi ako nagpahalata hanggang hindi na siya nagtanong pa.
Paulit-ulit na minura ko sa isipan si Augustre. Kung bakit kasi sinama pa niya ako sa kalokohan niya kagabi. Mabuti na lang at walang nakapansin na magkasama kaming bumalik ng mansyon. Patapos na rin ang party at nabawasan na ang mga tao. Wala na rin gaanong media. Pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagtatanong ng mga tao sa paligid niya lalo na si Katrina kung saan siya nagpunta ng mahigit dalawang oras. Ngumiti lang siya bilang tugon.
Pero nakakapagtaka pa rin ang naging kilos ni Augustre at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa unang pagkakataon ay naging mabait siya sa akin. He even said he appreciate for giving him my time.
Ngunit sa kaunting oras na magkasama kami, kahit papano ay nakilala ko ang ibang side ng damuho. Or he never showed that to me because he always try to annoyed me. Pero feeling ko, may pinagdadaanan si Augustre.
Parang hindi siya masaya sa kanyang party. Kunsabagay, hindi siya tatakas kung gusto niya iyon. Nakonsensya tuloy ako sa pinagsasabi ko sa kanya pero siya naman kasi parati ang nauuna.
Magtatanong pa sana ako pero pinili ko na huwag na lang ituloy. Hindi ko naman masabi na close na kaming dalawa dahil hindi pa kami in good terms. I guess.
Pero kahit papaano, may mga alam ako sa kanya. Magkakabata sila ng kuya Samuel ko. They get along. Madalas siyang nasa bahay dati kaya parati niya akong nabubully. Napapanood ko rin ang ilan sa mga palabas niya dahil na rin sa kaibigan kong si Sarah. Ikaw ba namang ipagduldulan ang cellphone kapag may update tungkol sa kanya.
Inaamin ko na nagagalingan ako sa kanya. A versatile actor. Lahat ng role na ibigay ay bagay sa kanya. Hindi rin cringe ang accent niya dahil dito naman siya lumaki sa Pilipinas at matatas managalog.
Sa pagkakakaalala ko, mag-pipitong taon na rin siya bilang artista. At marami na siyang napatunayan. Nag-hit halos lahat ng pelikula niya. Nanalo ng mga awards. Naging endorser ng malalaking brands. Ang dami rin nga niyang billboards na nakapaskil sa bayan. At mga mukha niyang naka-print sa iilang produkto sa Merkado. Nagkaroon na rin siya ng mga sold out concert dahil magaling din siyang kumanta. Mapapasana-all ka lang talaga.
Tungkol naman sa mga movie niya, ang paborito ko ay 'yong Past, Present, Future, and Forever. Napaiyak talaga ako dun. Pero wala ng tatalo sa iyak ni Sarah. Feeling niya para raw siya ang bidang babae sa pelikula. Nakarelate daw siya. Umangil ako dahil tulad ko, wala rin siyang love life. Eksaherada ang gaga.
Sikat talaga si Augustre sa kanyang henerasyon. Minsan naiinggit ako sa mga narating niya. Gwapo't mayaman na nga lahat-lahat, sinuwerte pa sa career. At heto ako't hindi alam ang gagawin sa buhay.
"Toby, baba ka na raw. Kakain na." Nabalik ako mula sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Ate Reina mula sa labas ng aking kwarto.
Bumangon na ako't inayos ang sarili. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto. Si Kie agad ang una kong hinanap na kasalukuyang pinapakain ni Ate. Si Mama naman ay naghahanda ng pagkain at si Papa ay nagbabasa ng diyaryo.
Lumapit ako sa bata at ginulo ang pagkain nito. Pinanggigilan ko. Tumili lang ito. Sinaway naman ako ng ina niya.
Pagkatapos ng tanghalian ay muli akong nagkulong sa kwarto at binabad ang sarili sa panonood ng mga movies.
BINABASA MO ANG
Irresistible Attraction
RomanceToby cannot deny the irresistible attraction he felt for Augustre. Kahit pa sobrang naiinis siya sa lalake dahil wala na itong ibang ginawa kung 'di ang biruin siya. Kahit nagagalit, hindi naman niya mapigilan ang sariling makaramdam ng kakaiba sa t...