"A-Anong ginagawa mo Augustre? Baka may makakita sa 'tin." Pahayag ko sa kanya sabay tingin sa pintuan ng banyo.Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang nasa loob. Pero baka biglang may pumasok at makita kaming dalawa. Lalo na siya. Malaking isyu 'to kapag nagkataon lalo pa't sa ganitong sitwasyon kaming maabutan.
Sinubukan kong kumawala sa kanya at nagtagumpay naman ako. Sinamaan ko siya ng tingin at tinalikuran. Kumuha ako ng tissue para punasan ang basang kamay at pinagpag ang bahagyang nakusot na damit.
"What are you doing here? Bakit kasama mo ang lalaking 'yon?" Tanong niya sa galit na boses. Matiim na nakatingin sa akin. Tiningnan ko siya mula sa repleksyon ng salamin. Sinalubong niya ang mga mata ko rito.
Para namang biglang may nag-play na kanta sa background.
Mahiwagang salamin
Kailan ba niya aaminin?
Kaniyang tunay na pagtinginMahiwagang salamin
Ano ba'ng dapat gawin?
Bakit ang puso'y nabibitin?
Kailan kaya aaminin ng damuhong 'to ang nararamdaman niya para sa akin? As if naman mayroon. Pero hindi ko na matukoy kung ano itong kinikilos niya. Hindi naman ako mangmang para hindi mapansin iyon. O baka binibigyan ko lang ng ibang kahulugan?Hay, ewan! Nababaliw na ata ako. Ganito pala talaga ang mainlab. Nakakabuang!
Salamin, salamin sa dingding
Nasa'n ang pag-ibig?Salamin,salamin sa dingding
Pwede mo bang sabihin
Sana may mahika itong salamin na 'to para mabasa ko ang nasa isip at makita ang nilalaman ng puso ng kumag.Pero teka, anong ginawaga naman niya rito? Bakit nasa labas siya? Hindi rin siya nakapang-disguise.
"Inimbita ako ni Enzo nung pumunta siya sa bahay. Wala namang masama kung kasama ko siya. Isa pa't kumakain lang naman kami rito. Eh ikaw? Bakit ka nandito?"
Hinarap ko na siya. Pero patingin-tingin naman ako sa pinto baka bigla na lang may pumasok.
"We're having dinner here with the management."
Eh bakit hindi ko siya nakita kanina sa loob? Imposibleng makaligtaan ko dahil mapapansin agad siya ng mga tao.
"There's a private room in this resto. Gindi kami basta-basta makikita ng mga tao. We've been a regular here so the restaurant knows exactly what to do."
Tila parang nabasa niya ang tanong ko sa isipan. Kaya pala parang may isang kwarto na nakahiwalay sa kabilang bahagi kung saan kami nakaupo ni Enzo dahil iyon pala ay para sa mga pribadong taong katulad niya.
"I wore a facemask and a cup so you probably didn't see me when we came in here. At saka ang seryoso ng usapan niyo ng lalaking 'yon. Are you dating him?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad ko iyong pinabulaanan.
"Hindi kami nagdi-date ni Enzo! Kasasabi ko lang na inimbitahan niya akong kumain dito 'di ba." Paliwanag ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Why are you so defensive? Napaghahalataan ka."
"Kasi 'yon naman ang totoo!" Asik ko sa mahinang boses. "Bago tayo naging magkaibigan, kaibigan ko na si Enzo at marami kaming pinagsamahan."
Mali ata ang nabitawan kong salita dahil biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Augustre. Napalitan ito ng lungkot.
Tama ba ang nakikita ko? Nalulungkot siya?
"But we've known each other since we were kids." Saad naman niya. Mahinahon na ang kanyang boses.
"Magkababata nga tayo pero tinuring mo ba akong kaibigan?"
BINABASA MO ANG
Irresistible Attraction
RomansaToby cannot deny the irresistible attraction he felt for Augustre. Kahit pa sobrang naiinis siya sa lalake dahil wala na itong ibang ginawa kung 'di ang biruin siya. Kahit nagagalit, hindi naman niya mapigilan ang sariling makaramdam ng kakaiba sa t...