TOBY"Hindi ka pa ba tapos diyan? Anong oras na. Ang bagal mo talaga kahit kailan!" Napaikot ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Mama mula sa labas ng aking kwarto.
"Sandali na lang, Ma!" Sagot ko sa kanya. Actually, kanina pa ako tapos mag-ayos. Tinatamad lang talaga akong lumabas.
Pinasadahan ko ang sarili sa salamin. Mukha naman akong pormal tingnan sa suot ko. Nakasuot lang ako ng kulay asul na long sleeves at itim na pantalon. Pinaresan ko lang din ng rubber shoes na itim. Hindi naman ako pansinin lalo pa't hindi ako kataasan kaya hindi ko na kailangan pang magsuot ng magara.
"Bilisan mo na't malapit ng magsimula ang party!" Muling sigaw ni Mama. Napaikot lang ako ng mata. Bakit pa kasi kailangan ko pang sumama. Wala naman akong gagawin do'n.
Napabuntong-hininga ako. Kahit anong subok ko kanina, wala pa rin. Nakurot pa ako.
Ano ba daw ang problema kung bakit ayaw kong pumunta. Iyong mga fans nga ni Augustre ay gustong-gusto makadalo tapos ako itong imbitado ay pinipilit pa. Palibhasa kasi ay hindi niya alam ang totoong nangyayari sa tuwing nakakaharap ko ang lalaking 'yon.
I am pacing back and forth and thinking a way on how to escape later. Pero malabo atang mangyari dahil bantay-sirado ako ng aking Nanay.
"Toby!"
"Oo na. Eto na!"
Wala akong nagawa kung 'di ang lumabas ng kwarto. Nakabusangot akong tinungo ang sala kung saan sila naghihintay. Nang makita ni Mama ang sumbakol kong mukha, pinitik niya ang noo ko.
"Umayos ka Thomas Vincent Bartolome kung ayaw mong mahalikan ang sahig!" Mariing wika niya. Napangiwi ako sa pagbigkas niya ng buo kong pangalan. Kapag ganoon na niyang sinasabi ang pangalan ko ay ibig-sabihin h'wag na akong sumagot pa. Umiwas na lang ako ng tingin at sumimangot.
Pero hindi ko napigilan ang sarili. Maya-maya'y nagsalita ulit ako. "Dito na lang kasi ako, Ma. Kailangan kong matulog ng maaga ngayon."
"H'wag mo akong subukan Toby ha. Wala kang pasok bukas."
"Ayaw ko nga kasing pumunta roon e." Pagpupumilit ko pa pero sa mahinang boses na lang. Hindi na nagsalita si Mama at inaya na sina Papa't Ate. Napabuntong-hininga na lang ako. Naunang lumabas ang mag-asawa. Si ate ay lumapit sa akin at tinapik ang balikat ko.
"Ayaw ko nga kasi talagang pumunta Ate." Anas ko. Napatingin ako kay Kie na karga-karga niya.
"Sama tito!" Napangiti naman agad ako. Biglang nawala ang inis ko nang magsalita ang bata. Ngumiti pa siya ng pagkalaki-laki. Kinuha ko siya sa kanyang ina at sabay na kaming lumabas ng bahay.
Sumalubong sa amin ang nagkakasiyahang mga tao nang makapasok kami sa loob ng mansyon ng mga Peterson. Bigla akong na-conscious sa suot namin. Ang elegante at ang gara ng suot ng ibang mga bisita. Nagmukha tuloy kaming tagaluto o tagaserb ng pagkain. Marami pa namang media na nandirito at baka mahagip pa ang mga mukha namin sa kamera.
Sana bumukas na lang ang lupa at lamunin ako pababa. Hindi ko rin naman mai-enjoy ang party dahil nasa paligid lang ang asungot. At baka anytime soon, may gagawin na naman sa akin 'yon.
Napansin naman ni Mama ang pagsisimangot ko kaya't pinandilatan niya ako ng mata. Umiwas lang ako ng tingin. Kontrabida talaga sa buhay ko itong si Mama kahit kailan!
Ilang sandali pa'y lumapit sa amin ang isang serbidor at inaya kami kung saan uupo. Mabuti't sa pinakadulong mesa ang naging pwesto namin.
Mukhang hindi pa nagsisimula ang kasiyahan. Hindi ko pa nakikita sa paligid si Augustre. Pero marami-rami na akong nakitang artista at mga kaibigan niya. I've been seeing them for years kaya hindi na ako nasta-star struck. Siguro kung nandito si Aivan, for sure, magpapaicture ako. Siya ang crush kong artista. Pero parang hindi ata sila in good terms ni Augustre kaya malabong nandito 'yon.
BINABASA MO ANG
Irresistible Attraction
RomantizmToby cannot deny the irresistible attraction he felt for Augustre. Kahit pa sobrang naiinis siya sa lalake dahil wala na itong ibang ginawa kung 'di ang biruin siya. Kahit nagagalit, hindi naman niya mapigilan ang sariling makaramdam ng kakaiba sa t...