Chapter 6

902 85 19
                                    


"Beh, kanina ka pa tulala. May problema ba?"

Nabalik ako sarili nang kalabitin ako ni Sarah. Hindi ko man lang napansin na nasa tabi ko na pala siya dahil sa lalim ng iniisip ko.

"Kanina ka pang ganyan? Ano bang nangyayari sa 'yo?" Pang-usisa niya.

"Ah W—Wala. May iniisip lang." Tinaasan niya ako ng kilay. Tila hindi kumbinsido sa naging sagot ko.

"Lalake ba 'yan?"

Para naman akong nasamid sa tanong niya. Napaubo pa ako.

"Hindi ah! May iniisip lang talaga ako." Nauutal na katwiran ko. Kumunot ang noo niya.

"So lalake nga?"

Tama ngang lalake ang nagpapagulo sa isipan ko at ang bwisit na Augustre iyon. Hindi ako nakatulog magdamag dahil sa ginawa niya. Kaya halos mahilo ako nang pumasok dito sa opisina.

Hindi ako nakasagot kay Sarah at napalunok na lamang. Hindi ako nakapag-isip agad ng idedepensa. Kahit ano naman ang sabihin ko, hindi maniniwala ang bruha.

"Spill the tea! Sino ang maswerteng boylet na 'yan?"

Sa sobrang excitement, napalakas tuloy ang boses niya kaya nakatingin na sa amin ngayon ang iba naming katrabaho. Nababansagan tuloy kaming mga Marites dahil sa pagiging ususera nitong si Sarah.

"Tumahimik ka nga. Iniisip ko lang kung anong pwedeng ipangregalo sa pinsan ko."

Tila nagnining naman ang kanyang mata sa narinig. Mas lalo siyang lumapit sa akin at hinawakan pa ako sa magkabilang braso.

"Sinong pinsan? 'Yong sinama mo kahapon? Si July? OMG!"

Sinasaway na kami ng iba naming katrabaho dahil nakakaistorbo na raw kami pero ang bruhang Sarah ay deadma lang.

"Bumalik ka na nga sa table mo. Kaya tayo napapagalitan ni Ma'am Cortes dahil diyan sa pagiging tsismosa mo."

I scowled at her. Inikutan niya lang ako ng mata at inismiran. Bumalik naman siya sa mesa niya. She look at me intently and mouthed "we need to talk later at lunch."

Napailing-iling na lang ako.

Inabala ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pilit kong inaalis sa isipan ang nangyari kagabi. Halos hindi ako makahinga pagkatapos niya akong halikan sa ulo. Dumagdag pa nang bumulong siya sa tainga ko. It sends shivers down my spine. Nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan.

Nakadilat lang ang mga mata ko kagabi habang ang damuhong 'yon ay sarap na sarap ang tulog. Humihilik pa. Bago umalis kanina ay ginising ko na siya. Naala ko ang nangyari.

Ngumiti agad siya sa akin pagkamulat ng mga mata.

"Good morning!" Bumangon siya't inunat ang mga kamay. Mukhang ang sarap ng tulog niya.

"Good morning mo mukha mo!"

Tinalikuran ko siya at inayos ang mga gamit. Mabuti pa siya nakatulog ng maayos habang ako'y nanlulumata.

"I had a good sleep. It's been a while since I have one. Thank you."

Nagtataka ako sa sarili kung bakit parating umuurong ang dila ko at hindi na nakakasagot sa kanya ng maayos. Dati-rati naman ay pabalang akong magsalita sa oras na bumuka ang bibig niya. Kabaligtaran na ito ngayon.

Sa tuwing lalapit din siya ay agad akong kinakabahan. Na tila hindi ako mapakali. Sa kaunting panahon na ganito ang trato niya sa akin ay agad nagbago ang nakasanayan.

Hindi kaya'y may nararamdaman na ako para sa kanya?

Napasigaw ako sa isipan. This can't be real! Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya. No way! My pride will be tainted.

Irresistible AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon