3: Tulips

241 13 18
                                    

TULIPS

(OST: All Of Me by John Legend <3 Play the song at the multimedia section for better reading :">)

Bumaba na ako sa kotse ko, dala dala ang bouquet ng tulips para sa pinakamamahal kong babaeng pupuntahan ko ngayon.

Nakangiti akong lumapit sa kanya, kitang kita rin sa mga mata nya ang pagkatuwa na makita ulit ako pagkatapos lamang ng ilang araw.

"Happy 5th Anniversary mahal kong Kathy, at dahil jan, dinalhan kita ng paborito mong freshly picked pink tulips." Sabi ko with excitement. Ang tibay namin ano? Umabot kami ng 5 years! Totoo ang pag-iibigan namin. Walang halong panloloko, pagpapahirap, at kasinungalingan. Lahat nanggaling sa puso mga bregs!

Tinabihan ko na sya at hinaplos haplos. "Naaalala mo ba yung unang beses tayong nagkakilala?" Pagsisimula ko.

~Flashback~

Dali dali akong tumakbo papunta sa gymnasium dahil bilang miyembro ng CAT, edi kami na naman ang uutus utusan kung may mga events man o kung ano anong kalokohan ang mayroon na school na to.

Pababa ako ng hagdan, dala ang mga bulaklak na iaalay para sa thanksgiving mass nang...

*blaaaaag!*

"Oh sh*t!" Mapapamura na talaga ako, yung bulaklak, tumilapon! Naihagis ko pa yon at di sinasadyang may mahagisan nun. Nabuhos sa kanya lahat ng flowers. Medyo napaupo pa yung babae kaya agad kong tinaboy taboy yung mga bulaklak na naksabit sabit pa sa damit, buhok, at bag nya.

Hindi lang sya nagreact pero halata sa mukha nya na nasaktan sya dun. Tinulungan ko syang makatayo at nagawa pa akong sitahin ng mga admin dito sa corridor.

Littering daw ako. Mga adik pala tong mga to eh, kita na ngang may nadisgrasya, aatupagin pa nila yung pag-KRA? Paano kung biglang may nasugatan, dumugo, umagos hanggang sa sahig, littering pa rin? O baka bleeding pa ang ilagay nila sa KRA.

Okay balik dito sa babaeng to. "Miss, pasensya na, di ko talaga sinasad--"

"Hindi, okay lang." Napatigil ako nang magsalita sya at sinabi iyon na may ngiti sa mukha. Ang anghel nga naman ng mukha nito, ang hinhin pa. Dalagang pilipina. Nginitian ko lang din sya at inalalayang maglakad since mukha syang di okay, pero sa totoo lang, gusto ko lang naman mas makilala pa tong babaeng to.

"Sorry nga pala ulit. Ako nga pala si Angelo. New student ka lang?" Tanong ko since first day pa lang naman at timing pang nakaaksidente na ako. Ibang aksidente ha, mga utak.

"Oo. Kathy. Kathy ang pangalan ko." At dun nagsimula ang love story namin. Yikes. Ang baklang pakinggan. Pwe!

•~~~•~~~•

"Kathy! Dalian mo. Tara!" Sabi ko habang nauunang umakyat sa mala-garden na hagdan na may 100 steps siguro dito sa pinuntahan naming espesyal na lugar sa akin nung bata pa ako, at mas magiging espesyal pa sa araw na to.

"Angelo naman, bakit pa kasi kailangan akyatin to? Langit na ba yung dulo nito?" Tanong nya na pabiro na parang napapagod din. Natawa lang ako at sinabayan syang umakyat. Hinawakan ko yung kamay nya at dahan dahang hinila paakyat.

"Huuy ilang steps pa ba to? Matatanggal na paa ko oy." Sabi nya ulit nung nasa kalagitnaan na siguro kami ng hagdan.

"Ayaw kitang nahihirapan kaya bubuhatin na lang kita." Sabi ko habang hawak hawak yung magkabilang pisngi nya. Bago pa sya makapagreklamo, binuhat ko na sya ng pa-lover's carry tsaka tumuloy sa pag-akyat.

Love-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon