8: Constellation

173 7 4
                                    

CONSTELLATION

(OST: Pag Ayaw Mo Na by Yeng Constantino<3 Play the song at the multimedia section for better reading ;>)

"Please, wag mo namang gawin to sa akin," nag-pause lang ako saglit dahil di na ko makasalita ng maayos sa kahahagulgol ko. "Lahat naman na ginawa ko. Lahat ng gusto mo sinunod ko. May kulang pa ba? Halos buong buhay ko, sayo na umikot. Di pa ba sapat yun?" Pagpapatuloy ko. Hindi sya kaagad nakasagot.

Nandito ako sa kwarto ko, nakaupo sa dulong banda ng kama habang patuloy na umiiyak ng palihim. Di pwedeng marinig ng parents ko. 12 am na, baka makaistorbo pa ako.

Tinawagan nya ko. Si Patrick, ang boyfriend ko for almost 2 years. Hindi ko alam kung anong sumapi sa kanya at makikipaghiwalay na sya ng ganun ganun lang. Lahat ng mga araw na yun, babaliwalain nya na lang?

Isang linggo syang di nagparamdam sa akin. At nang dumating na yung araw na pwede kaming mag usap, eto ang binungad nya sa akin. Ang sakit sakit. Bakit nya ba ginagawa to sa kin?

"Sorry Ella. Sorry. Ayoko na kasing masaktan ka pa--"

"Eh sa ginagawa mo ngayon, sa tingin mo hindi pa ako nasasaktan? D-di mo na ba a-ako mahal kaya ka ganyan?" Dineretso ko na yung tanong. Bakit kailangan nya pang ipaligoy ligoy? Yun din lang naman ang gusto nyang iparating diba?

"Ella hindi. Hinding hindi yun ang dahilan. Sobra sobra na kitang nasasakal. Pinipigilan kita sa mga gusto mong gawin. Hindi ko na mapigilan yung sarili kong maging selfish. Hindi ko na nakokontrol yung sarili ko kaya nasasaktan kita." Sabi nya.

Kailangan bang humantong sa ganito? Porket ba iilan na lang ang nagmamahal sa kanya, kailangan nya nang manakal ng ibang tao? Na lahat ng gusto nya makukuha nya? Pero bakit ngayong naiintindihan ko na sya na kailangan nya ko, tsaka nya ako ilalayo sa kanya. Ang gulo gulo.

"Please please wag mo kong iwanan. Ayaw mong iniiwanan ka, pero ikaw tong nagtutulak sa mga taong nagmamahal sayo palayo. Hindi ko maintindihan. Hinding hindi kita maiintindihan. Bakit ang dali mong sabihin lahat to sa kin? Ganun na ba ko kadaling itapon na lang? Ganyan ka ba kawalang puso?"

Nakakalungkot na nakakainis. Bakit nya ba to ginagawa sa kin? Ako na nga tong nagbibigay sa kanya, lahat lahat. Ako tong nag-eeffort na mag-work out tong relasyon namin kahit pa man long distance. Kinakaya ko naman. Bakit sya, di nya ba kayang gawin tong katulad ng ginagawa ko?

"Ella mahal kita. Sabihin mo na lahat. Ibuhos mo na lahat ng galit mo. Tatanggapin ko." Kahit gusto kong magalit parang ayoko. Mahal kita Patrick eh. Mahal kitang hayop ka. Hindi ko pa rin kaya.

"Sabihin mo lang kung bakit mo to ginagawa. Ipaliwanag mo naman sa kin oh. Hindi yung ang dami daming sumasagi sa utak ko na pwedeng maging dahilan." Sinubukan kong itahan yung sarili ko para maintindihan nya pa ko.

"Hindi ka pa handa, Ella. Maiintindihan mo rin ako. Hindi lang pwedeng ngayon ko sabihin." Wth? Umiyak na naman ako ng umiyak.

"Patrick naman. May iba ka na ba? Dahil ba to sa parents mo? Dahil ba to sa pagkakalayo natin sa isa't isa? Hindi mo na ko mahal? Ano ba!" Nakakainis na. Hindi kami legal sa parents nya, ayaw kasi nila sa relasyon namin. Ni hindi nya naipaglaban tong relasyon namin nakakaiyak isipin.

"Sorry." Yun na lang ang nasabi nya sa huli. Sa sobrang inis ko, nag-call end na ko tsaka in-off yun. Ayoko na.

Ayoko na ng ganito. Tinakpan ko yung mukha ko ng unan nang di ko na makontrol yung sarili ko sa pag-iyak. Ang sakit. Tinapos nya na lahat ng sa amin.

Love-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon