1: Eraser

478 15 12
                                    

ERASER

(OST: NGITI by Ronnie Liang <3 Play the song at the multimedia section)

Dirediretso akong naglakad papasok ng university dahil napepredict ko na... ayan na. Andyan na sya. bilis pa at--

"Chloe!!" At nahabol nya na nga ako. Ano pa nga ba gagawin ko? Sinusubukan ko na ngang umiwas sa babaeng yan. Well, sa mababaw na dahilan, iba ang nilagay nya sa registration form na course.

Magkaiba kami! Nagpromise kami sa isa't isa na di kami maghihiwalay.

Nagkasabay kami ng sakay sa jeep. Akala ko nga di nya ako mapapansin dahil nga sa pahtatago ng mukha ko sa kanya, kahit pala pagnakatalikod, kilala ako ng babaeng to.

"Oh, bakit, Dana?" tanong ko na may pagka-sarcasm.

"Uy sorry na oh. Yun naman kasi talaga yung gusto ng parents ko para sa akin." kwento nya habang naglakad kami sa campus ng UP.

Hinahanap naming pareho yung mga buildings na pag-eexam-in namin, hawak hawak syempre ang mapa ng buong school. Mukha tuloy kaming mga shungang turistang nagpapasikot sikot sa lugar na di kami pamilyar. Para kasi syang forest dahil sa dami ng puno, pero may kalsada naman. Yung tipong pwede mong pag-jogging-an.

"Oo na. As if may magagawa pa ako para pigilan ka." sabi ko na lang.

"Nagtampo na naman sya oh, kahit kailan talaga ang babaw mo Chlo, entrance exam lang to! As if din na makakapasa tayo dito diba?" natatawang sabi nya na may halong hampas pa. Aba, masaya nga sya. Pero may point din naman sya, bakit nga pala ako nagdadrama?

"Fine! Kita na lang tayo mamaya sa waiting shed sa may central." sabi ko. Nagbu-bye na lang kami sa isa't isa dahil nasa tapat na ko ng bagong bagong building, ang field ng sa architecture. Cool lang dahil maganda siguro facilities nya sa loob.

•~~~•~~~•

Para siguro akong sasabog sa kaba dito. Wala akong kakilala ni isa. Para akong nawawalang bata. Lahat sila tropa tropa. Pinapasok na kami sa testing room at in-assigned seat by alphabetical order. Lumunok na muna ako. Okay, this is it. Kaya mo yan, Chloe!

"Next is Bernardo, Buenavista, Castro, Corpus, and, Cortez to be seated on this row." Dali dali akong dinala ng paa ko papunta dun sa upuan at umupo. Feeling ko naririnig nila pati pagkabog nitong puso ko. Relax ka nga.

"Uhm, Ms. Bernardo, right? Your seat is on the row next to you. You just occupied Mr. Ford's seat." napatingin ako kay Mam proctor tsaka sa katabi nyang estudyante. Napatayo ako bigla bigla at natanggal tanggal pa tong shoulder bag ko, tsaka nagsorry at lumipat sa harapan.

Aissssh! This is the most embarrassing moment I ever had! Nakita ko pang nagsnicker ang ilan. Napayuko na lang ako sa upuan ko at yumuko sa kahihiyan, hinihintay na ibigay yung exams namin. Palampasin nyo na yung nagyari naman oh. Namumula na ako.

Pagkalipas ng ilang ka-churvahan, nagsabi ng rules, directions, at kung anu ano pa, binigay na rin ang exams namin one by one. Hay salamat.

0__0

Okay binabawi ko na yung pagpapasalamat ko na binigay tong test paper, grabe! Dudugo na ata utak ko sa mga nakalagay. May solving, drawing, essay eklavu pang nalalaman! Ohmyghaad. Eto na ba yun? Pwedeng magpass?

30 minutes na ang nakalipas, Kung ano ano nalang siguro pinagsasagot ko. Mostly kasi up to 3 hours ang given time, pwedeng kumain, basta wag lang madudumihan yung test paper pero psssh, pano ako makakakain at magpapetix kung eto naman ang kinahaharap ko?

Inaamin ko, kaya ako may free entrance examination dito dahil kasama ako sa top 10. Seryosong top 10 ako. Pero bakit ganito, alien words ang nababasa ko, ayaw na magprocess ng utak ko. Mind block sigur--

"pssst" rinig ko sabay dalawang beses na kalabit sa likurang balikat ko. Teka, pwede ba yun? Pero wala naman akong kakilala dito, at walang nakakilala sa akin para kausapin ako. Wag mo na lang pansinin, baka laitin ka lang dahil sa nangyari o kung ano man ang naging itsura mo ngayon.

"psssst!" ulit. Dahil sa naiinis na ako, nilingon ko na yung kumakalibit sa akin sabay pagalit na bumulong ng "Ano??"

"Ate, pwedeng pahiram ng eraser?" sabi nya sabay ngiti na pa-cute. Tinitigan ko lang sya with a mix look of confusion and hideousness.

Inabot ko na lang sa kanya yun at bumalik sa pagsagot sagot. Nakakapagtaka lang talaga, hindi ba parang nakakahiyang gawin yun sa exams? Pero mukhang wala namang pakialam yung proctor kaya siguro go lang sya ng go.

Pagkalipas lang ng ilang minuto, kinalabit na ulit ako nung lalaki sa likod ko sabay abot ng eraser. Kinuha ko na yun sabay nag-thank you sya ng pabulong.

Inilapag ko yun sa gilid ng test paper ko at tumuloy na sumagot nang may napansin akong sulat na nakalagay dun. Napatigil ako at kinuha yung eraser sabay basa kung ano man ang nakalagay dun.

'Ang cute mo kapag naka =(' sabi nun. Nanlaki mata ko sa nabasa ko. Inilapag ko ulit yun at nagblink ng ilang beses. Sinasabi ko na nga bang lalaitin lang ako ng lalaking to eh. sorry naman kung inagawan ko sya ng upuan.

Sasagot na sana ulit ako nang mapansin yung kabilang side nung eraser na may sulat din.

'Pero mas cute ka kapag naka =), Anong pangalan mo?" napangiti ako ng patago. Talagang nag-effort syang pagkasyahin yung mga salitang yun sa pa-rectangle kong eraser.

Lumingon ako dun sa kanya at nakitang nakatingin lang sya, yung pa-fall na ngiti na sasaluhin ka din. Ganun itsura nya kaya napakilig ako ng patago.

Ang gwapo nya pala, ngayon ko lang napansin. Isang gwapong nilalang ang na-cute-an sa akin? At gusto akong makilala? I'm in heaven.

•~~~~~~•~~~~~~•~~~~~~•

Kamusta naman ang first part one shot diba? Any feedbacks? Please do vomment if ever you liked it. hahah!

This story is really inspired of my best friend, @AlonaLadeeda

A bit of her story. Follow her! :))

~YOONNA KURA

Love-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon