6: Lost Letter

150 10 6
                                    

LOST LETTER

Cleaners. Yup. More like mga tambay sa classroom hahah! Umikot ikot lang ako, pretending na naglilinis ako nang magsialisan yung isang grupong kapwa ko cleaners pero iniwan naman yung mga bag. Sure ako cr lang punta ng mga to.

May nababago ba pag tumitingin sila sa salamin? Na-distort?

Naiwan lang ako mag-isa, which freaking creeped me out. Aalis na sana ako nang nakapansin lang talaga akong namumukod tanging table na tinambakan na siguro ng tatlong sako ng basura at binagyo ng Ondoy at Yolanda. Psssh.

Binaba ko ulit yung bag ko tsaka padabog na lumapit dun sa table na yun. Ayokong ayoko talaga sa mga burara eh. Binalibag ko yung table- de charoot. Medyo pina-slant ko yung table na yun para mahulog yung mga gamit sa ilalim. Eh? Sinasabi ko na nga ba eh.

Bumaba ako para ligpitin na yun. Bakit ba ako nag-aaksaya ng oras dito?

Habang nagliligpit ako, at halos last na set na lang nang dampot nito, nakakita ako ng isang papel na maayos na naka-fold horizontally. Dahil pakielamera na din ako, binuklat ko yun at...

Isang letter. Love letter? Whooosh di rin.

Binasa ko na yun:

Ako si Ivan Lacson,

Kilalang kilala sa buong village ko, pero kahit kailan hindi nakilala ng mahal ko.

Kapansin pansin ng lahat ang aking pagkaiba, pero kahit isang detalye tungkol sa akin eh parang hindi mo nakikita.

Sinubukan kong lumapit sayo. Naduwag ako at sadyang di kaya ng mga paa ko.

Minahal kita, pero meron ka na atang iba.

Paglipas ng sampung taon, 26 na ako. Magagawa ko na lahat ng aking mithiin, maliban lang na ako'y mahalin mo rin.

Yun yung nakalagay pero halatang hindi yun yung lahat. Punit yung last part. Ano to pabitin lang?

Pero yung message dun, love letter nga sya pero para kanino naman to at sadyang napakalalim na lang talaga ng pagtingin nya dun?

Ivan Lacson? Who is he? Ano namang pinagdadaanan nya? May problema ba tong lalaking to? Ay malamang. Bakit ako nakucurious sa taong to? Really never heard of that name.

"Patricia! Tara na, pinapababa na tayo." Sigaw ni Louise mula sa back door. "Oo na." Sagot ko. Buti naman natapos na ako. Pwede na akong makalayas dito.

Hunting-in ko kaya tong lalaking to? Baka naman may nagugustuhan syang kaklase ko kaya yun nandun sa drawer ng table ng isa sa mga kaklase ko.

---

Ughh. No results for Ivan Lacson? Takteng yan. Multo ba to? Sinearch ko na nga sya sa official web page ng school kung san makikita lahat ng details about dun, pero yung pangalan nya wala? Yeeesh.

Baka naman pinagloloko na ko neto. Makatulog na nga lang.

Kinabukasan, Sumakay ako sa jeep, mall daw kami magkikita kita ng mga kaibigan ko since holiday ngayon. Pagkasakay ko, nagpaka emo na ako sa bintana tsaka napaisip sa letter.

Dala dala ko sya actually, ewan ko kung bakit. Pero nilagay ko na sya sa wallet in case...

Napatigil yung jeep. Wait, wala namang sasakay eh. Tapos mukhang yung buong engine namatay din. Hala ka? Wag mong sabihing tumirik ka. "Ah pasensya na, mukhang nasiraan pa tayo." Lahat nairita at napilitang bumaba dahil sa sinabi ng driver. Nasa tapat kami ng isang village. Ang layoo pa nito sa mall.

Love-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon