CHAPTER 5: Loner's Investigation

83 2 0
                                    

*Odysseus POV*

"Ano kayang nangyayari sa dalawang to ?" tanung ko sa sarili ko nang napansin kong umiiwas si Ford kay Adelyn. Hindi naman kasi pangkaraniwan na umiwas si Ford sa kanya kasi laging nilalapitan ni Ford si Adelyn para bungalngalin o inisin. Halos aso't pusa na nga sa sobrang pang-iinis.

Noong chapter 2 at chapter 3 , habang hindi ako nababanggit sa story , naginvestigate ako tungkol sa dalawang to. Si Ford eh bestfriend ko since highschool 1st year , samantalang si Adelyn , ngayon ko lang nakilala. So habang may free time ako sa story , nagtanung-tanung ako sa mga tao kung ano ba meron dito sa dalawang to.

Nalaman ko na si Adelyn pala ay hindi COLD noon , nalaman ko na sya pala eih so cheerful at so harot nung grade 3 sya , nakapagtataka naman at naging COLD sya kaya nagtanung-tanung na rin ako tungkol doon.

"Sooo , kaya pala" ang isip ko nung nalaman ko na ang dahilan , napaka bigat pa lang back story ang na kay Adelyn.

Pinagpatuloy ko na ang pagiimbestiga ko.

"Aba't ! " bulalas ko nung nalaman ko na si Ford pala ang may dahilan kung bakit naging COLD si Adelyn , hindi rin naman ako makapaniwala na COLD si Ford dati ?! Kasi sa attitude nya ngayon , playboy plus Universal High heartthrob ?! Hindi mo aakalain na ganun sya sa past nya.

Ngayong natapos ko na ang imbistegasyon ko , at ngayong nandito na ko sa pagkakataon an ito , na nasa room ako with Ford and Adelyn , kaming tatlo lang , and sadly hindi pa nila ako napansin until I spoke , oras na para ilahad ang katotohanan.

"Ford ! Musta ?" tanung ko sa kanya na may konting ngisi.

"Eto ayos naman , bakit ang aga mong pumasok ?"

"Aaah yun ba ? May ilalahad lang akong katotohanan hehehe"

"Odysseus , ang pangit mo kapag ngumingisi , tigilan mo yan" ang sabi sakin ni Adelyn with walang reaksyon sa mukha. Aray , minsan na nga lang ako tumawa , PANGIT pa ?!

"Ocgeh hindi ako tatawa , pero ilalahad ko pa rin ang katotohanan"

*Adelyn's POV*

Ano kayang katotohanan ang ilalahad ng LONER na to ? Mukhang mabigat kasi nakatawa ang isang LONER dahil sa katotohanan na yan.

"So Adelyn" ang tawag sakin ni Odysseus "nalaman ko na hindi ka pala COLD dati ? Nalaman ko na ikaw pala ay isang so cheerful at so harot na girl noong nasa grade 3 ka , tama ba ?"

"Hindi yan totoo" ang sagot ko sa mala hot seat na tanung nya , pero teka , paano nya nalaman yon ? Nako !! Si Ford !! Tiningnan ko agad ng masama si Ford , nagkibit-balikat lang si Ford , so kanina kaya nalaman ni Odysseus yon ?

"At ikaw naman Ford , nalaman ko na COLD ka dati ? At sa sobrang COLD mo na mas malamig ka pa sa North Pole ng mundo ?" ang pabirong tanung ni Odysseus kay Ford , teka , bakit kapag sakin mala hot seat , sakanya may biro ? Aba't diskriminasyon na ata ito ha ?

"Hindi yan totoo , sa ugali ko ba naman ngayon eh COLD pa ako noon ?"

Saan kaya nya nalalaman yung mga impormasyon na ito ? Mala Detective Conan tong LONER na to ah. Pero teka , COLD si Ford dati ? Wait a minute , don't tell me that ......

"Ford , COLD ka dati ?" tanung ko kay Ford.

"What ? No way , i've never been COLD in my life actually" ang sagot ni Ford napinagpapawisan , mainit ba ?

"Kung ganon ano yung sinasabi ni Odysseus s 'MAS COLD KA PA SA NORTH POLE' , ha ?"

"Sus ! Nag sisingulaning lang yan , naghahanap lang ng pansin yan , LONER nga kasi eih"

"Hindi nagsisinungaling ang mga LONER noh" ang reply ko , totoo nga naman kasing hindi sila nagsisinungaling , kasi wala silang pagsasabihan nito.

"THANK YOU ADELYN !!" ang biglang sigaw ni Odysseus sa akin. Akala nya ata kinomplement ko sya.

"So ano ngayon kung COLD ako dati ? May problem ba about that ?"

"Oo , pero last question , saan ka nag-aaral noong grade 3 ka ?" ang tanung ko ulit kay Ford , napaatras si Ford , parang mat tinatago nga talaga.

"Sa ........ sa ano ......... sa Rizal Elementary school " ang sagot ni Ford while nakayuko.

Sa Rizal Elementary School ?! Nako nako nako , sya na nga talaga , sya yung nagpaiyak sakin noon , sya yung nagbago ng personalidad ko noon !! Hindi ko na napigilan ang galit ko at bigla na lang akong nag walk-out sa room.

*Ford's POV*

"Lynn , WAIT !!" ang sigaw ko kay Adelyn habang palayo sya ng palayo sa akin , kaso nga lang hindi sya tumingin , pag tingin ko sa kinauupuan ni Odysseus ay wala na sya , teka , WALA NA SYA ?! Hindi ko man lang sya napansing dumaan sa pinto kahit na nasa pinto lang ako ?! Lintak yung LONEr na yan , nagalit pa tuloy sakin si Adelyn , kaso lagi namang galit yun sakin , iba nga lang ngayon , baka hindi na galit ang nararamdaman nya , PAGKAMUHI na ata.

Lumakad ako papuntang cafeteria , nagmumuni-muni lang ako , sumakit ang ulo sa confrontation na yon , haaay. Ano nakayang gagawin ko para mapatawad ako ni Lynn ? Nakakainis naman tong buhay ko.

Umupo ako sa isa sa mga upuan sa Cafeteria , pag tingin ko sa harap ko eh nasa harap ko na si Zeus , AGAD-AGAD ?!

"Ford , sorry ha , sorry kung nilahad ko pa ang katotohanan sa inyong dalawa" ang paghingi ng paumanhin ni Zeus , hindi namana ko pwede nagalit sa kanya kasi malalaman at malalaman din ni Lynn yon.

"Gusto mo ba tulungan kitang suyuin si Adelyn para mag bati kayo ?" ang suggestion ni Zeus.

Wait , suyuin ? Tama nga ! Kailangan ko lang suyuin si Adelyn para magkabati na kami , tapos ipapaliwanag ko kung bakit ko nagawa iyon! Kahit na COLD si Adelyn , may natitira pa rin na mang soft side ang puso nya diba ? It's so PERFECT !

"Thank you Zeus !" ang sigaw ko kay Zeus habang tumatakbo papunta sa gymnasium.

After a few hours , nagsimula na ang Flag Ceremony sa Quadrangle , pagkatapos na pagkatapos ng mission at vision ay umakyat ako agad sa stage habang may dalang gitara.

"Kakanta po ako ngayon sa harap ninyong lahat , pero ang kantang pong ito ay mostly for Adelyn , Adelyn  , please patawarin mo ako" nagsimula na akong kumanta pagkatapos ko magpaalam.

Magaan na ba ang 'yong paghinga

Bumalik ka na sa'kin

Klaro na ba ang isip sinya

Bumalik ka na sa'kin

Hindi ka na nagparamdam

Buhat ng cool off , ako'y nahibang

Pagtingin ko kay Adelyn ay biglang-bigla ang mukha nya at hindi makapaniwala. Naisip ko naman na umeepektibo ata ang song kaya pinagpatuloy ko pa.

Sige na please wag nang mainis

Bumalik ka na sa'kin

Sorry mahal , ika'y nasaktan

Bumalik na sa'kin

Bumalik ka na sa'kin

Pababayaan lang kita

Baka tuluyan ka nang mawala

Sana naman pagbigyan mo na

Pangakong 'di na mauulit pa

Katulad mong tao lang ako

Napapasabak din sa gulo

"So Adelyn , pinapatawad mo na ba ko ?" ang tanung ko kay Adelyn , with my babyface of course.

"PATAWARIN MO NA SYA ADELYN !!!!" ang hiyawan ng lahat ng mga estudyante na nasa quadrangle , sinosuportahan nila ko , kaya sana naman patawarin nya na ako.

Nakatayo lang si Adelyn sa harap ko , tila kakaba-kaba  , hindi sya nagsasalita.

"Ano kaya ang nasa isip mo , Ice-Queen ?" ang isip ko.

Meet Your OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon