*Ford's POV*
Simula nung nakita ko si Adelyn sa may bulletin board na nakangiti , nagtataka na ako kung bakit ang tawag sa kanya eh Ice-Cold Beauty ng Universal High ang tawag sa kanya , sa ganda ba naman at adorable nya , Ice-Cold pa ang matatawag mo ? Sa tingin ko hindi.
Lagi ko syang kinakausap para malaman ko kung paminsan-minsan lang yung pagka-supladera nya at pagiging cold , but I think it's just sometimes , kasi lagi akong natatarayan at nababara eh , walang pagkakataon na nag-usap kami na hindi nya ko binara.
Ngayong nandito na kami sa ER ng 8 / 12 , oras na para tanungin to , ang tanung na gusto kong malaman ang sagot.
"Hoy Ice-Queen , bakit ang ...... bakit ang COLD mo ?" ang tanung kong seryoso , nabigla naman si Adelyn sa tanung ko , wow , ganun ba talaga ka seryoso tanung ko ?
"Kaya ako COLD kasi wala ka ng paki kung bakit !!" ang biglang sagot ni Lynn , and apprently yun ang inexpect kong sagot , alam mo naman sya , si Miss PAKI MO.
Nang marinig ko ang sagot nya , naimik ako , hindi pa rin kaso ako naniniwala na basta na lang sya naging COLD , anu yun ? COLD since birth ? Kaya nag tanung ulit ako , pero ngayon , nakakunot na ang kilay ko.
"Seryoso ko Lynn , bakit ka COLD ? May nangyari ba sayo para maging COLD ka , ha ?"
"Bakit mo ba inuusisa , ha ? Para namang may paki ka"
"Paano kung sabihin kong may PAKI ako ?" diniin ko na talaga yung 'PAKI' para sabihin nya , pero sadyang matigas na yelo tong si Adelyn , umiling lang sya , kaya seryosohan na talaga.
"BAKIT KA COLD ?!" ang tanung ko ulet , kaso mukhang nataasan ko boses ko , nagulat sya , halatang halata sa pagmumukha nya.
After nang ilang segundong katahimikan , nag buntong hininga sya , huminga nang malalim , at nagsimula nang magkwento.
"Ganito kasi yon. Noong nasa elementary ako , I used to be a very cheerful girl , very maharot , makulit , and most of all , very masiyahin. Halos lahat ng taong makita ko eh binabati ko ng 'good morning' noon pero isang araw , nagbago ang lahat. May nag transfer na lalaki sa school namin noong grade 3 ako , hindi ko nalaman yung name nya kasi taga ibang section pa , pero i've got to admit , gwapo sya , maypagka matalino pa , actually maraming girls ang nanghahabol sa kanya , tinawag sya ng buong grade 3 faculty members na 'The Prodigy' dahil sa angking talino nya. Dahil ngayon sa talino nya , nagsipa ako paalis sa top 1 , I was so sad dahil ilang taon ko iyon pinoprotektahan , from Kindergarten until Grade 2 ako ang top 1 , then he came. Nung binati ko sya ng good morning , nagtaka ako sa mukha nya , kinunotan nya ako ng kilay , at sinabi nya mismo sa pagmumukha ko na 'GET OUT OF MY SIGHT , YOU MAKE ME SICK'. Dahil malambot po ang puso ko noon , bigla akong nasaktan. Umiyak ako , hindi ko inaakala ana iiyak ako dahil lang sa isang rejection ng maganda kong pagbati , iyak ako ng iyak , I knew that there was something wrong , because I can't stop crying , and unfortunately my classmates saw me crying , and then started bullying me. Sa sobrang galit ko , at sakit sa puso ko , I decided to never be nice to anyone , anymore , 'Cuz they'll just hurt me when they rejected me , kaya ayun , naging COLD na ko to anyone."
Napabuntong hininga na lang si Adelyn pagkatapos nya mag kwento , and I did'nt expect the next thing that happened , hindi nya na nakontrol ang luha nya , at tuluyan na itong tumulo. Ang laki ng pagsisisi ko , hindi lang dahil sa nag tanung pa ako , kung hindi dahil sa isang bagay na hindi ko makakalimutan , ang pag sabi ko ng 'GET OUT OF MY SIGHT , YOU MAKE ME SICK' kay Adelyn.
OO , ako yung nag transfer na yun , COLD kasi ako dati , kaya lang ako naging happy-go-luck ay dahil nga sa nakita ko ring umiiyak ng sobra-sobra si Adelyn.
"Ako pala ang dahilan , ako pala .... sorry , Lynn" ang bulong ko sa sarili ko. Hindi rin kasi ako makapaniwala na ako pala ang dahilan kung bakit sya COLD , ang laki tuloy ng pagsisisi ko.
"O anu , masaya ka na ? Ngayon alam mo na kung bakit ako COLD , pero wag mong pagkakalat to Kumag , sa atin lang ito" ang sabi ni Adelyn sakin habang nakatingin ng malamig , bigla syang tumayo at naglakas paalis.
"I can't believe it" bulong ko nanaman sa sarili ko "The reason I have a rival is , myself....." Hindi matanggal sa isip ko ang sentence na iyon , hanggan sa pag-uwi ko , hanggang sa pagtulog , hindi pa rin natatanggal.
Kinabukasan , maaga akong nagising , binangungot kasi ako. Pagpasok ko sa room namin , nakita ko si Adelyn , nakatingin sa bintana , tila nag-iisip , mukhang malalim , kakausapin ko sana , kaso ayokong istorbohin , paglapag ko ng bag ko sa upuan ko , umalis na ako agad , pero bago pa man ako makalabas ng room , biglang may tumawag sakin.
"Ford !" si Adelyn pala " Thank you sa pagtatanung sakin kung bakit ako cold , gumaan ang pakiramdam ko , hindi ko inaakala na ikaw pa ang makakapagpagaan , nagkautang na loob pa tuloy ako sayo , hayaan mo babayaran ko to someday" ang pagpapasalamt ni Adelyn sakin , habang nakangiti.
Alam ko na bawal to , pero biglang tumibok ang puso ko.
"Nako , bawal to , karibal ko sya , at matuturn-off din namans ya kapag nalaman nyang ako yung nag paiyak sa kanya , patay , bawal to , TUMIGIL KA !" ang bulong ko sa sarili ko , kaso hindi ko naibulong yung huling part , kaya nagulat si Adelyn.
"Anung tumigil ka ? Tumigil ako sa pagpapasalamat sayo ?" ang nagtatakang tanung ni Adelyn sa akin.
"Ahh , hindi hindi , yung cellphone ko kasi nagvavibrate , nakakakiliti kaya ko sinabing tumigil ka hehe" ang corny kong palusot. "Sige-sige , CR lang ako , bye"
Pagpunta ko sa banyo , naghilamos ako agad , tindi ng pawis ko eh ! As in tagaktak na tagatak ang pawis ko.
"Hindi pwede to , hindi pwede. Paano kung malaman ni Adelyn na ako yung nanakit sa kanya ? Hindi nya ko mapapatawad for sure , kaya kung liligawan ko man sya , masasaktan lang din ako" ang paliawanag ko sa isip kung bakit hindi ako dapat main-love kay Adelyn. Tsaka may kasabihan nga tayo diba ? Na "In the gameof LOVE , the first to fall lose" , at mukhang ako ata ang matatalo.
Pagbalik ko sa classroom ay marami ng tao , pagupo ko sa upuan ko , bigla akong nagulat , nandun pala si Odysseus !
*Note: Sa mga hindi ko nakakaalala o nakakakilala kay Odysseus , sya po yung LONER kong bestfriend*
"Oi , musta Ford ?"
"Ayos naman ako Zeus , eto pogi pa rin" ang pabiro kong sagot kay Zeus.
"Alam mo , hindi ko maintindihan kung anu ba ang meaning ng POGI" ang naiinis na reply ni Zeus.
"WHAT ?! Sus ko po ! Kung hindi mo alam meaning ng POGI , ede hindi mo pala alam ang meaning ng best friend mo !" ang pabiro kong sagot sa katakatakang wika ni Zeus. Akalain mo un , hindi nya alam ?!
"Ulol , POGI ka nga , kumag ka naman" ang reply ni Zeus.
"Wow , ako pa ang ulol ha ? Bahala ka na ga dyan" iniwan ko na si Zeus mag-isa , kaso kawawa naman , LONER na nga , iniwanan ko pa.
Sa buong araw ng klase , iniwasan ko si Adelyn , hindi naman dahil sa natotorpe ako ha , dahil baka mahalata ni Adelyn na may tinatago ako , alam mo naman yung utak nung babaeng yun , she has one FAT BRAIN ya know.
Kinabukasan , late nako nakapasok , baligtad naman ngaun , kung kahapon maaga , ngayon late , konw why ? Kasi maganda panaginip ko ngayon eih kahapon eh bangungot.
Pagpasok ko ng room , nandoon nanaman si Adelyn , at bigla nya kong kinausap.
"Hoy Kumag , napansin ko kahapon na iniiwasan mo ko , bakit ? Eh dati-rati eh ikaw pa unang kumakausap , 'nu problema mo bukod sa mukha mo ?" ang tanung ni Adelyn sakin habang nag tataka.
"Hehe , nakuuuu , anu nga ba problema mo , ha Ford ?"
"Sino yun ?" tanung ko sa sarili ko , pagtingin ko sa kaliwa , nagulat ako ! Nandun pala si Zeus !
Naku-naku , nakangisi ang mokong , anu kaya iniisip nitong LONER na to ?
BINABASA MO ANG
Meet Your Opposite
Novela JuvenilDalawang opposite , nagkakita , nagkaagawan , nagka rambulan , anu kalalabasan ? Ede away , gulo , at gera ? Lagi namang ganun diba ? Pero kinokontra yan ng kasabihang "Opposites Attract" , pero naks , opposites do attract nga ba ? It's Playboy na C...