CHAPTER 3: Working in Secret

95 3 0
                                    

*Adelyn's POV*

"Haaaaaaaay" ang buntong hinga ko sa dami ng trabaho. Nagpadala ako kay ate ng letter of excuse para maka-absent , kailangan ko pa kasi ng extra pera for the fee in the up coming Glee concert , bakit ba kasi ako sumali dun , yan tuloy , kailangan ko pa mag trabaho , tapos kialngan ko pang umabsent , malalamangan tuloy ako nung Kumag na yun , ang kapalaran nga naman oo.

8:30 pa lang pero marami ng customer ang 8 / 12 , si Manager Ewan naman nag leave , may dadaluhan daw na kasal , actually apat lang kami dito sa 8 / 12 , malaking problema to kasi Firday na , marami-rami na ang customer na mga darating , so it just means extra work  , kaso hindi extra money.

9:00 na ng umaga , recess na panigurado sa Universal High , nagpapahinga ako sa Employee's Room ng biglang nag ring sang cellphone ko.

"Adelyn , ayos ka lang ? Pakagaling ka wah , namimiss ka na namin"

Si Kianna pala yung nag-text , nakalimutan ko yun ah , ang ginawa ko nga palang dahilan eh may sakit ako , anu kaya sasabihin kong sakit pagpasok ko ? Haaay saka ko na nga iisipin yun , trabaho na lang muna ako.

10:00 am na at magsisimula na ulit ang shift ko , kaso problema to , laking gulat ko nang paglabas ko eh napakaraming tao , anu to ? Birthday Party ? Tinanung ko sa katrabahong kong si Neil kung anu meron , sabi nya birthday party daw , ay ! BIRTHDAY PARTY NGA !

Nirentahan pala nung nagpapa-birthday yung buong 8 / 12 , kaya naman pala eh , nagtataka kasi ako bakit nakalagay na sign sa labas "SORRY WERE CLOSED" , yun pala nirentahan yung buong restaurant.

11:00 na ng biglang naghiyawan ang mga tao , pati mga co-workers ko humiyaw , sasali sana ako para hindi ako OP kaso wala sa bokabularyo ko ang pagsigaw , actually wala akong natatandaan na pagkakataon na sumigaw ako sa buong buhay ko. Kaya pala sila nagsisigawa kasi dumating na yung mascot ng 8 / 12. Teka teka teka , MASCOT ?! Hindi ko alam na may mascot pala ang 8 / 12 !! Pag tingin ko kung anu itsura nung mascot , simpleng worker mascot lang pala ng 8 / 12.

Pagkatapos magsasayaw nung mascot sa gitna na parang lolong may-arthritis , sumapit na ang 12:00 noon , lunch break na sa Universal High , hindi ko mapigilang mag-isip kung anu na ba nangyayari sa Universal High , baka kasi may quiz or my test , maunahan pa ako sa rank nung kumag na yun.

Lumabas na muna ako ng 8 / 12 para mag pahangin , nang pag tingin ko sa kaliwa , hindi ako makapaniwala sa nakita ko , si Clifford , este kumag eh dumarating , pasok ako agad ng 8 / 12 ! Kaso may problema , bakit nga ba ako nagtatago ? Aaaah ou nga pala , nakalimutan ko na hindi nya alam na nandito ako , pero teka , lunch break pa lang ah ? Bakit nandito na si Kumag ?

Pagpasok ni kumag sa 8 / 12 , dumiretso sya agad sa employee's room , nakngteteng yan , eh dun panaman ako nag tatago ! Laking gulat ni Ford nung nakita nya ko dun , yung mukha nya eh complicated , para bang manok na nagulat kasi sya na pala yung kakatayin.

Mga 1 minute na katahimikan , so AWKWARD ba ? Kaso bigla tong binasag ni Kumag.

"Hoy Ice-Queen , bakit ka nandito ? May sakit ka diba ? Abay may sakit ba yan ? Pawis na pawis ka eh !" ang nagtatakang tanung sakin ni Ford. Gulat naman ako tatanungin nya yun , akalain mo yun nagke-care pala sya , ay wait , I spoke too soon yata.

"Magpapakamatay ka ba ? Sabihin mo lang , ako na gagawa" dugtong ni Ford sa sinabi nya kanina. Sus ko po ! akala ko nagke-care tapos yun pala , papatayin ?!

"Paki mo ba ? Buhay ko to , you have no rights to interfere , tsaka ikaw ? Bakit ka nandito ha Kumag ?"

"Sa total wala akng paki" reply ni Ford. Abaa !! Totoo ba ito ? He accepted defeat ? Aba't nagkakagerahan sa utak ko kung anu ba nangyayari sa kumag na to ! "Nandito ako para mag trabaho , kinulang ako ng pera eh , pang extra lang at least 2 hours na trabaho siguro" 

12:30 na ng malapit nang matapos ang birthday party , si Ford ,kayod kumag , yung mga katrabaho ko namang iba , nagpapaka party-animal. natapos na nang tuluyan yung party nung nag 1:30 , natapos na rin ang shift ni Ford. Handa na syang bumalik sa school , pero nagtaka ako , inayos nya yung bag nya pero hindi pa sya umaalis , nandun lang sy asa Employee's Romm , parang may hinihintay , nakakatakot pa naman , nakakunot yung kilat , parang monster na handang kumain ng taong buhay eh.

Pumasok ako sa Employee's Room , teka , mukhang masyadong mahab yung employee's room ah ? Ocgeh , pumasok ako sa ER , umupo ako para mag pahinga , ang katahimikan eh nasa paligid , walang nag sasalita , ako eh nagbabasa lang ng pocket book , si Ford naman nakapikit , nakikinig ng music sa cellphone nya , nakapikit lang sya as in , naka pangalumbaba pa , parang nagmumuni ba ? Marunong pala sya mag ganun , akala ko puro pagpapa pogi at pagpapacute lang ang alam nya.

Habang nag babasa ako in peace , bigla nya kong binato ng papel , aba't lakas ng loob ah ! Bigla tuloy ako nagsalita.

"Problema mo kumag?"

"Wala lang , bored eh , 30 minutes pa kasi bago magsimula yung next subject natin" sagot ni Kumag.

"Wag ako pag tripan mo , baka masunog ka sa impyerno ng wala sa oras"

"Huh , hindi yan mangyayari , wala na kasi akong papel" pangbabarang reply ni Ford. Aba't may gana pang mang bara wah ?

"Oi Ice-Queen , tanung lang , bakit ang ......... bakit ang COLD mo ?"

"Aba , saan nagmula yung tanung na yan ??" isip ko nung narinig ko yung tanung ni Ford , anu ba to ? dahil sa pagka bored nya bigla na lang tanung ? Abay weirdo pala to eh !

"Kaya ako cold kasi wala kang paki kung bakit !! "

" Sus , nagtatanung lang naman , kasi parang hindi naman angkop yung pagka-COLD mo sa mukha mo , paano ba naman kasi , blonde hair , cute eyes , with a very adorable smile ? Parang  hindi lang talaga match , yun lang naman "

Naulat ako ng sinabi yun ni Ford , akalain mo marunong pa lang mag compliment tong si kumag ? Pero mas nagulat ako nung sinabi nya yung cute eyes , at adorable smile. Nakakapangilabot , anu kayang nasa isip nito ? Nacucurious tuloy ako kung bakit nya na point-out yung pagka cold ko.

"Bakit nga ba ko COLD ?" bulong ko sa sarili ko ........

Meet Your OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon