PROLOGUE:

9 0 0
                                    

NAPABUGA ng hangin si Manager Prince Yun habang nakatingin sa kanyang mga alagang nag-eensayo ng sayaw at pagkanta sa loob ng studio. Habang tinitingnan ang mga lalaking ito, hindi niya maiwasang maalala ang unang araw na nakilala at nakasama niya ang mga ito. Binatilyo pa lamang ang mga ito noon pero ngayon ay nasa hustong edad na ang mga ito. Ang bilis lumipas ng panahon.

Sa loob ng pitong taon na mga lalaking ito sa magulong mundo ng  entertainment na kung saan ang           naunang dalawang taon ay
iginugol sa workshops at classes, masasabi niyang malayo na ang narating ng mga ito. Dapat siyang maging masaya para sa mga alaga subalit hindi iyon ang nararamdaman niya.

Dahil alam niya ang tunay na nararamdaman ng mga ito. Ngumiti man ang mga ito araw-araw, sa likod niyon ay alam niyang may matatagong sakit at pait, lalo na sa bunso ng grupo na si Marcus. Sa tingin niya ay ito ang may pinakaitinatagong galit. Galit dahil...

"Manager....." anang isang tining sa wikang Koreano.

Bumaling siya sa nagsasalita. Isa iyon sa mga assistant sa Summit Entertainment, ang entertainment studio sa Korea kung saan nakakontratang mag-perform ang sikat na ballad group na SAPPHIRE BLUE. 
"Yes?" sagot niya sa ganoon ding wika. Ang nakakausap lamang niya sa wikang Ingles at Tagalog ay ang mga alaga at ilang staff ng SE.

Naaalala pa niya kung bakit ang labintatlong lalaking ito ang pinili niya noon na bumuo ng isang grupo sa dinami-rami ng taong nag-audition noon. Bukod sa angking talento ng mga ito, pare-parehas rin kasi silang nanggaling sa iisang bansa— sa Pilipinas. Kayang-kaya nilang magsalita sa wikang Tagalog at Ingles.
"

Somebody wants to talk to you, Manager."

Sumunod si Prince dito nang tumalikod na ito.
Pagkapasok nila sa kanyang opisina ay agad tumayo ang lalaking nandoon.

"I'm an awful person, Prince. It's my fault why he's been bitter for so long."

Inalalayan niya ang kausap nang bigla itong gumiwang sa pagkakatayo. Pinaupo niya ito sa sofa at inabutan ng tubig. Dere-deretso nitong isiniwalat sa kanya ang ginawa nito noon—ang sinabi nitong kasalanan nito sa isa niyang alaga.

"I want him to be happy,too,Prince. Help me correct the things I've done wrong. He deserves to be happy."

Kaagad pumasok sa isip niya ang isang ideya. What he wanted to do would be uncalled for but this was what he thought best to do right now. He knew someone who could help him. And that person would surely not refuse.

Nang makaalis ang kausap ay hinila niya ang ibabang drawer ng mesa niya mula sa pagkakasusi niyon. Mula riin ay inilabas niya ang isang brown envelope. Binasa niya ang impormasyong nakasaad sa mga report,pagkatapos ay I-d-in-ial niya ang numerong naroon.

         "Good Afternoon, Richard..."


_________________________________________

Tapos na ang Prologue sa wakas. Hahaha. Sana po magugustuhan ninyo ang aking mga tampok na istorya. Hahaa.
Leave Comments and Votes

Love yah reader's - love miss author

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

K.R.Y. TRILOGY: MARCUS (SEVEN YEARS OF LOVE)  (ON GOING)Where stories live. Discover now