CHAPTER 2: P meets him

108 2 0
                                    

Pia's POV

Ano ba naman yan. Unang klase ng unang araw ng huling taon namin sa high school e hanep na sa memory. Kailangan kong aralin tong subject ni tandang dalaga. Baka hindi pa ako makagraduate dahil dito.

Naunahan ko si A sa seat na gusto niya. Haha. Ayaw ko nga sa likod aantukin lang ako dun.

Tinawanan ko nalang ang namumuryot na mukha ni A habang paupo siya sa likod.

Unang araw palang requirements na ang pinaguusapan?! Pahirap talaga tong si Ma'am. Hay nako.

"Hello, pwede bang tayo nalang partner sa class ni Ma'am?" Napalingon ako sa nasa left ko at nakita ko ang isang babae. Magandang babae, kaso yung pagkamaganda niya eh yung simple lang. Angelic. At she really looks nice. Pwe. Nahahawa ako sa pagcoconyo ni Aria.

Bakit ngayon ko lang ata siya napansin dito? Hindi ba siya class A before?

"Oh hi! Sure! Ako si Pia. Pia Shey Santos. And you are?" Sus. English speaking pa ako kunwari. Mala-Aria. Nakakahawa nga talaga eh. "I'm Denise. Nice meeting you." Ang bait niya tignan. Alam mo yung mapapa 'bait face' karin habang nakikipagusap sakanya? Di ko ata bagay yung face na ganun. Haha!

"Likewise. ^__^ Bakit parang ngayon lang kita napansin dito? Transferee ka ba?"

"Ah h-hindi. Siguro dahil madalas akong absent.." Absent? Tapos namamaintain niya dito sa Class A? Galing!

"Oh ikaw na bahala sa akin ha? I find this subject boring kasi eh. Wag ka magalala. Magaaral akong mabuti. Haha!"

Naalala ko naman yung bestfriend ko at tinignan ko siya sa may likuran. Yun ba yung partner niya? Parang member ko ata yun sa school paper. Yung isa ata sa photographers namin.

Parang snob na guy na pa-cool pero okay lang naman ang itsura. Pero kamusta naman si Aria? Hindi maipinta ang mukha. Haha! Kinakausap niya yung guy pero si guy naman e nakatitig lang sa librong hawak niya at nagbabasa.

Kakaiba yun ha. Kung ibang guy na yun, nakikipag-flirt na yun kay A. Paano ba naman tong bestfriend ko. Nung nagsabog si Papa God ng kagandahan, kasexyhan, katalinuhan, charm at kung ano pa e nagdala ng batya at sinalo lahat. Halos perfect yang babaeng yan eh. Kaya ang dami niyang admirers mapababae man o mapalalaki. Pero siya deadma lang.

Nung bago pa nga lang kami naging magkaibigan e nakakaintimidate kasama tong si A. Paano ba naman nagmumukha akong sidekick palagi. Center of attraction siya palagi eh.

*rinnnnnnnggggg! Rinnnnnnnggg!*

Sa wakas! Tapos na ang klaseng to. Sana maka-survive ako for the rest of the year. Madaling lumapit sakin si A mula sa kinauupuan niya.

"Hey meet Denise! My partner. This is Aria."

"Oh hi there Denise. You can call me A nalang."

"Hello. You're really pretty. Prettier pag close up."

"Aww. I like her, P! Nagsasabi ng katotohanan! Hahaha" Sabi ni A. Oo nga. Ang nice ng babaeng to at mukhang walang kalokohang alam tulad namin ni A. Haha. Pero A, kailangan laging mahangin? Haha.

 "Sama ka samin ni P pag wala kang kasama. You can join us from now on. And we'll call you D. Okay lang ba?"

"Oo nga D! Sawa na rin ako sa pagmumukha netong si A eh. Hahahaha"

"Oh shut it, P."

"Wow. Thank you P and A."

"Oh mukhang okay kayo nung partner mo ha *grin* *sarcastic*" sabi ko kay A.

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon