CHAPTER 5: Pain and regrets

83 3 0
                                    

DENISE’s POV                 

Papunta ako sa office ng drama club ngayon. Isusubmit ko tong completed form ko as an official member of the club. I’m so happy and excited.

Teka. Si Aria yun ah? Bakit siya tumatakbo at.. umiiyak? Tatawagin ko sana siya kaso nakapasok na siya sa loob ng SC office. Agad agad akong pumunta doon.                 

Pagpasok ko nakita ko si Aria na umiiyak sa table. I’m really shocked. First time kong nakita si Aria na ganito. Umiiyak rin pala ang isang Aria Elswood? Nilapitan ko siya at hinaplos sa likod.

Nagulat naman siya ng makita ako. Bigla siya napayakap sa akin at humagulgol.                 

“Sige lang, A. Iiyak mo lang yan. Andito lang ako. Kung gusto mong ilabas lahat ng sama ng loob mo, andito lang ako. We’re friends now, right? You can trust me.”                 

“D. He’s the only man I ever loved that much. He was a cassanova back then, back when we were still freshmen. But he changed when we fell in love with each other. Puppy love sabi nga nila, masyado pa raw kaming bata pero alam naming dalawa kung gaano katotoo yung feelings  namin sa isa’t isa. It was like everything was perfect between us. Everything fell into their right places. I couldn’t ask for more..”

Hinayaan ko lang siyang magkwento. I’m pretty sure she’s talking about Chace. I know there was something unresolved between them. I just continued listening while brushing my hands through her hair.                 

“Until one day, he didn’t go to school. I thought tinamad lang siya o nagkasakit. After class I decided to visit him in their house.. But yung personal maid lang niya ang naabutan ko. Sabi niya kakaalis lang ni Chace papuntang airport. He was leaving. Without telling me, D. I was like, what the hell Chace? Okay naman kami eh. Why did he have to leave without telling me?”  

That hurts. I feel sorry for her. Wala sa mukha niya na nabbroken hearted din pala ang isang Aria.

"I even rushed to the airport to chase him. Hahaha! Umasa ako na parang movies mangyayari, maaabutan ko siya at happy ending na.. pero kabaligtaran nangyari e. I was devastated. Wala man lang akong ni isang clue kung bakit niya yun ginawa sakin. Guess what? Hindi ko lang siya hinabol sa airport. Sumunod din ako sa States. Haha! Hinanap ko siya kung saan saan. Umaasa kasi ako na may malaking rason kung bakit niya yun ginawa eh. Yun nalang kasi panghahawakan ko D eh.” 

Awang awa ako kay Aria. Parang all through these years, kinimkim niya lahat ng to sa loob niya. Yung Aria na perfect girl na nakikita ng lahat eh may ganito rin palang side. Iyak siya ng iyak. Pero hinayaan ko lang siyang patapusin ang kwento niya.                 

“Nawala lahat ng tapang ko nang nakita ko siya sa isang bar na itinuro ng barkada niya. I was willing to accept any reason he could give basta sabihin niyang mahal niya pa ako. Pero ano? Ano naabutan ko? May kayakap siyang babae."

I was shocked. Chace really did that?

"Imagine? An Aria Elswood? Haha! I was the biggest idiot when I chased him in the States. Naisip ko lang, bakit ko pa pinagsiksikan ang sarili ko sa taong obviously hindi naman ako mahalaga. Pero D, pinanghawakan ko yung maikling panahon na akala ko kami na talaga hanggang sa huli e. P-pero, I guess happy endings are just fantasies made by stupid writers in books and movies to keep our hopes high in falling in love when in reality, we just fall.. and shattered in pieces."

Kahit wala ako sa posisyon ni A, parang nadudurog din ang puso ko na makita siyang ganito.

"Tapos ngayon? Babalik siya claiming that he wants me back? Oh come on! Kung kailan naitayo ko na ang sarili ko after 2 years.. He’ll come around just like that making me feel like nawasak ulit lahat ng pinaghirapan kong buuin all these years..

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon