CHAPTER 10: Unrequited love

103 3 0
                                    

 

PIA’s POV

Di parin ako makaget-over sa nalaman ko. Sila Tristan ang may-ari ng pinagttrabahuan ko. At ang pinakamalala sa lahat.. KAMBAL sila ng bestfriend kong si D.

Leche naman oh! Bakit di ko napansin na parehas nga pala silang del Valle? Hindi talaga eh. Wala sa itsura nilang kambal sila. Pero Pia Shey Santos, uso ang fraternal twins. Tsss

“Ahh Pia.. Wag kang masyadong magpapagod ha. Kung wala naman nang masyadong gawain pwede ka namang maagang umuwi.” Nangingiting sabi ni manager sakin.

Nako nako. At biglang bumait sakin tong manager ko. Uhhh. Parang may kalokohan nanamang sinabi tong si Tristan.

Paano nagkaroon ng kambal na manyakis at loko loko ang isang anghel na katulad ni D?

TRISTAN’s POV

Pauwi na kami ni Denise ngayon. Sayang naman at hindi pa ako nakapagtagal sa shop. Haha! Ayos at doon nagttrabaho si SheyLoves ko. Kahit papano maggiging kampante ako. ^__^

“Tristan, may gusto ka talaga kay P?” Bigla namang tanong ni Den.

*cough* “Uhhh..” Di ko pa alam ang isasagot ko. Naubo ako dun ah.

“Wag mong lolokohin yun ha. Lagot ka sakin.” Babala naman sakin nitong kambal ko. Sino ba namang matatakot sa banta niyang sweet pa ang pagkakasabi? Hahaha

“Sino ba nagsabing lolokohin ko yun? Tss.”

Hindi na siya sumagot.

“Wag nga ako ang alalahanin mo. Ikaw ha. Wag kung ano ano ang inaatupag mo. Uwi agad ng bahay pag wala ka nang gagawin.” Sabi ko sakanya.

“Makakatakas ba naman ako sayo?” Nag-peace sign siya sakin sabay kindat.

“Aba ikaw ha!”

“Wala kang dapat ipagalala kambal. ^__^”

Haaay. Di mo naman ako masisisi kung ganito ako ka-overprotective sayo. Kambal kaya kita.

**

KINABUKASAN

PIA’s POV

Kasalukuyang naglalakad ako ngayon sa school. May mga inaasikaso kasi akong articles para sa newspaper. Buti nalang at mahaba haba ang break time. Hindi ko kasi to magagawa after school.

Sana lang maging okay ang araw na to. I mean, wala akong makitang nakakabwisit—

“Good morning, SheyLoves!!” Kakasabi ko lang po PapaGod eh! Haynako.

“Oh ano nanaman?!”

“Ang aga aga ang highblood mo Shey my Loves! Di ko maintindihan kung bakit ka ganyan sakin eh wala naman akong ginagawang masama sayo?” Bwisit talaga!

“Anong wala? Eh makita ko lang mukha mo nabbwisit na ako eh! Tantanan mo na kasi ako. Di mo ako mapapasakay sa mga ganyang trip mo. Ibang babae nalang.” Sabi ko sakanya.

“Sino bang nagsabing nagttrip lang ako?” Bigla niyang sabi sabay nagbago ang facial expression niya sa akin.

Parang sumeryoso at nawala yung ngiti. *dug* *dug* *dug* *dug*

Bakit bigla akong kinabahan. Wala na akong maisagot sakanya.

Bigla naman siyang ngumiti at kinuha ang folders na hawak ko sabay akbay sakin.

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon