CHAPTER 6: When Tough Girl meets Mr. Happy-Go-Lucky

96 3 2
                                    

PIA’s POV

Nakakabadtrip talaga. Kulang pa yung sampal na yun kung tutuusin e. Nasaan na kaya si Aria? Pero nakita ko naman na sinundan siya ni D so maggiging okay rin naman siguro ang lahat.

Mas mahihighblood lang ako kung makikita ko siyang depressed. Makapunta nga muna sa swimming area. Kailangan ko magpalamig. Hindi naman nakakapagtakang may swimming pool dito. Pero exclusive lang for the swimming team.

Yes, I am a member pero di ako masyadong active kasi top priority ko parin ang paggiging EIC sa school paper. Magsswimming muna ako baka sakaling bumaba ang blood pressure ko. Woooh.

Sinuot ko na ang swimsuit ko at nagdive sa pinakamalalim na part.

0____0 S-Sh*t. Di pala ako nag-warm up sa sobrang excitement ko magswimming. Nag-cramps tuloy yung paa legs ko. Wtf. Paano to. Wala pa man ding ibang ka-team ko dito.

“T-Tuloooonn---“

TRISTAN’s POV

 Ako nga pala si Tristan Kyle del Valle. Bestfriend at teammate ko yung si Chace.

Akala ko nga di na kami magkikita nun. Di ba naman nagpaalam at nagparamdam nang umalis papuntang States. Kawawa tuloy yung si Aria. Wala nga akong mukhang maiharap sakanya noon eh. Di ko rin kasi alam kung bakit.
Sus! Di man lang nagpa-despidida party! Mag-isa ko nalang tuloy nagba-bar ngayon. Okay na rin yun. Blessing in disguise. Solo ko lahat ng chics. Haha!

Pero di ako babaero ha. Chic magnet lang parang si Chace. Mas malala pa nga yun dati eh! Aba sabi nga nila.. Birds of the same feather... Ano nga bang susunod dun? Basta pareho kaming pogi.

Di ako pumasok sa class. Taga section C pala ako. Eh pogi ako eh. Nakakaantok lang dun. Madedetention ako kung di ako makakatulog ako. Tatambay nalang ako kung saan.

“Mr. Del Valle?! Don’t you have class??” F. Yung matandang dalagang guidance counselor na forever PMS-ing ang peg. Waaaaah! Lagot!

 ”A-Ahh a-ano ma’am... Aww. Oo grabe ang sakit ng tiyan ko ma’am. Mamamatay na ata ako sa sakit. Punta ako clinic. S-sige ma’am! Bye!” acting ko habang kunwaring namimilipit sa sakit ng tiyan. Tumakbo na ako at mukhang hahabulin pa ako.

Agad akong tumakbo papunta sa.. Saan nga ba to? Naku po. Sa swimming area pa ako pumasok. Bawal ako dito. Pero panigurado wala namang nagsswimming ngayon di---

“T-Tuuloooonn---“

Ha?? Sino yun? Pagtingin ko sa pool.. may nalulunod?! Eh member ba to o tumakas lang para magswimming?

Tsk tsk, Buti nalang andito ang pogi na hero of the day. Agad agad kong hinubad ang shirt at pants ko. Naka-boxer shorts naman ako! Tsss. Ang sexy ko talaga.

Lumangoy na ako at dinala ang babaeng nalulunod sa may side ng pool. Tsss. Walang malay! Anong gagawin ko?

Ke gandang chic naman to. Ang cute cute niya sa short hair niya. Tapos sa suot niyang swimsuit eh kitang kita yung sexy figure niya..

Witwiw! Hep hep! Tama na yan Tristan! Paano ba to? CPR? Tss. Di ako namamantala ah. Ano nga bang ibig sabihin ng CPR? Aba ewan. Basta parang chansing yun pag may nalulunod na babae.

Pero tae. First kiss ko to. Secret lang to ah. Di ako bakla ha. Pag ba pogi at chic magnet di na pwedeng virgin pa kahit sa lips? Hahahaha! Bahala na nga. Death or life situation to. Teka. Parang mali ata? Eh basta, Konsensya ko pa kung mamatay to. Eto na.

......

......

......

*booogsssssh*

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon