Salamat sa cover kaichou_Love21. ♡
--Sa buhay, kailangan natin sumikap at magtrabaho para makakain tayo ng tatlong beses sa isang araw at makatulong sa ating pamilya. Pero syempre, dapat magtrabaho din sila. Alangan naman ako lang yung magbanat ng buto? Ha! Ano sila sinuswerte? Haler! Nakakapagod kaya magtrabaho. Buti sana kung iba-iba yung ginagawa mo like ngayon mag alaga ka ng hayop tapos bukas mag tanim ka ng mga halaman pero hinde eh! Isa lang talaga yung tungkulin ko! And it so very nakakasawa na. Huhu!
Grade 3 palang ako nang magsimula akong magtanim ng mga pinya. Iani tapos itanim, iani ulit tapos itanim na naman. Para lang siyang uhm parang--tricycle! Ay este cycle pala! Oo! Kasi paulit ulit lang siya. Paulit ulit! Oha oha! Tama ako noh? Akala niyo--
"Mariette!"
"Ay butike!" Sabi ko. Eto kasi si papshie lakas makagulat. Distorbo, hinihiwa ko pa itong mga pinya na inani ko kanina. Kalerkie!
"Ang sabihin mo gwapong butike. Haha." Sabi ni papshie sabay pogi sign. Yakky! Nag kunware ako na sumuka.
"Oa naman ng anak ko." Sabi niya sabay nguso. Natawa nalang ako sa reaksyon niya kahit na nakakadiri kasi pacute siya amp.
"Paano kayo magiging gwapo eh kulang yung ngipin niyo? Haha." Sabi ko sa kanya. Walang ngipin si papshie sa bandang itaas. Kulang ng tatlo HAHA.
"Hmp!" Sabi niya sabay takpan ng bibig niya. Pfft!
"Eh kayo kasi papshie ginulat niyo ako! Malapit na ako mag heart attach!" Sabi ko. Bigla naman siya tumawa. Kaya sa sobrang inis ko sakanya, hinila ko yung labi niya at itinali ng lubid tapos hinila ng hinila hanggang nawalan siya ng malay pero syempre char char lang yun. Hindi ako bad noh!
"Heart attack yun 'nak. Hindi attach HAHAHA." Sabi niya sabay tawa ulit. Hays! Buti pa ito si papshie tawa lang ng tawa kahit kulang-kulang yung ngipin.
"Ha? Yun na nga po yung sinabi ko." Sabi ko. Basta may heart yun na yun hays!
"Bakit po pala papshie?" Tanong ko sakanya."Pwede bang ikaw nalang yung mag ani banda dun?" Sabi niya sabay turo sa unang hilera ng mga pinya na mukhang hinog na. "Ako nalang yung hihiwa, medyo pagod na kasi si tatay. Ang init-init ng panahon." Sabi ni papshie.
Sumikip yung dibdib ko sa sinabi ni papshie. Kahit paano naman naaawa ako sakanya kasi tatay ko parin siya kahit na kulang-kulang yung ngipin niya.
"K po payn!" Sabi ko sabay hair flip. Kalerki ang bakit ang init ni sun? Huhu!
Pumunta na ako dun sa pwesto kung saan itinuro ni papshie at nagsimula ng mag ani ng pinya. Magsasaka ang hanap buhay ng pamilya namin. Pero hindi sa amin ang pinyang plantation na ito. Meron nagmamay ari nito at nagtatrabaho lang kami para kahit paano naman may makakain kami.
Tumigil ako ng tinawag ako ni mamshie. Nakita ko naman na kasama niya yung beshie ko na si Alyssa at amo namin si ma'am Elenita na nagmamay ari nitong plantation namin. Teka, ano kaya gagawin nila dito? Ay, kalerki ka talaga Mariette! Aba syempre magchichika! Pero bakit ang saya ni mamshie ngayon ha! Maka smile naks naman mamshie! Mas lalo kang gumaganda. Sinasabi ko na nga ba magkamukha talaga kami ni mamshie. Matangkad yung mamshie ko, maputi, magaganda yung mga mata, matangos yung ilong, may kissable lips. Halos magkamukha na nga kame eh!
Pero sabi nila hindi daw kami magkamukha pero pareho naman daw kaming maganda. Ha! Kalerki pero para sa akin magkamukha kami. Hindi lang talaga nila napagtanto!
"Mariette!" Tawag ni ma'am Elenita. Lumapit naman ako sakanila. Uhm bakit naka smile sila ngayon? Ano ba meron? Death anniversary ba ni lolo? Hays ang bubo mo talaga Mariette kahit kailan! May masaya ba sa death? E bakit kasi sila naka smile? Pisting yawa.
"Yes po ma'am? Gusto niyo po ba ng 20 pieces ng pinya? Ilalagay ko lang po sa basket o kung gusto niyo ilalagay ko nalang po sa sako." Sabi ko. Siguro kaya sila masaya kasi madaming hinog na mga pinya ngayon. Pero hinde eh! Hays!
"Naku hinde. Madami pa akong pinya doon Mariette. Ang totoo niyan, nandito ako dahil may sasabihin ako sa iyo na importante." Sabi niya at may kinuha siya sa bag niya. Napagtanto ko na envelope pala yun! Binigay niya sakin yung envelope. Hala ano kaya gagawin ko sa envelope na ito?
"Anong pong gagawin ko dito?" Tanong ko habang tinitingnan itong hawak na hawak ko kong envelope. Inamoy ko siya. May amoy pala ito, amoy envelope.
"Basahin mo yung nakasulat. Nanjan yung papel sa loob." Sabi ni ma'am Elenita. Sinundan ko nalang yung sinabi niya at inilabas yung papel.
"CONGRATULATIONS MARIETTE!!!!" Nagulat nalang ako ng sinigaw nila yun tatlo ng sabay-sabay! Kalerki! Dahil hindi ko alam kung bakit nila ako binati, nakisabay nalang ako sa pagsigaw.
"Woooohh!!! Yeeyyy!!!" Sigaw ko. Bigla naman akong niyakap ni mamshie kaya binulong ko siya.
"Ma, bakit po ba ang saya natin?" Bulong ko sakanya. Bigla siyang umalis sa pagyakap.
"Nak, mag-aaral kana ulit!" Masayang sabi ni mamshie. Nagulat naman ako. Gooosshhhiiiee!! Totoo ba yun narinig ko? Mag aaral na ulit ako? Waaahhh!!!
"Yes, tama yung narinig mo Mariette, mag-aral kana ulit dahil nakatanggap ka sa isang university! And guess what, sa Thomas University! Naalala mo nung pumunta tayo sa Maynila noon?" Tanong ni Ma'am Elenita. Hmm. Syempre naman naaalala ko pa yun. Ang saya ko kaya noon pumunta kami sa Maynila. Tumango ako ng tatlong beses. Hehe.
"Yun yung time na nag-interview ka para mag-aral doon sa Thomas University." Sabi ni ma'am Elenita. Thomas University? Siguro magkaisa isa lang yung may ari ng Mang Thomas at Thomas University no?
"Aahh. Opo naalala ko pa po yun! Yun pinaliwag ko po sa kanila kung gaano kaimportante ang mga magsasaka." Sabi ko with confidence. Kasi nung pinaliwanag ko sa kanila, para na ako yung isang abogado. Hehe. Feel ko ang talino ko talaga.
"Oo. At natanggap ka Mariette!" Masayang sabi ni ma'am Elenita. Sa oras na ito wala na akong iba pang iniisip kundi ang mga school supplies ko. Gusto ko talaga yung pink na bag tapos may magagandang design. Goshie! Eksayted na talaga akes mag-aral!
--
*Please vote and comment*
Charaaan at doon nagsimula ang kwento ni Mariette lukaret HAHA. Follow niyo narin ako hehe enjoy thankyouu! Mwah mwah! ~♡~
YOU ARE READING
Mariette: Ang Babaeng Lukaret
Teen FictionMeet Mariette Arquiza. Ang babaeng lukaret, childish, hyper, at inosente. Gusto niya lang makaaral ulit at tulungan ang kanyang mga magulang. Mahilig talaga siya sa color pink! Gusto niya, lahat ng mga gamit niya ay color pink.