KABANATA 1

6 2 0
                                    

Kagabi pa ako nag impake para pumunta sa Maynila at mag-aral. Ngayon palang excited na talaga ako! Syempre may mga school supplies na rin ako. Paano ako mag aaral kung walang school supplies diba? Minsan kailangan din natin gamitin utak natin.

Nagpapasalamat talaga ako kay ma'am Elenita dahil siya yun nagbili ng mga things ko hehe. At siya na rin yung magbabayad sa pamasahe. Ang bait talaga niya no?

"Mariette, mamimiss ka namin lukaret ka." Sabi ng beshie kong si Alyssa. Niyakap ko nalang siya kahit na amoy araw siya. Huhu. Magkapareho rin yung trabaho ng pamilya namin at dito din sila nagtatrabho sa mga Valientes. Dahil sa pagiging magsasaka, nakilala ko siya nung Grade 1 pa ako at siya naman ay Grade 2 noon. Hanggang sa naging beshie ko na siya.

"Mamimiss din kita." Huhu. Gusto ko na talagang umiyak! Pero hindi pa tumutulo yung mga luha ko. Baket?

Umalis na rin ako sa pagkayakap sa kanya at humarap kina mamshie at papshie.

"Mamimiss ka talaga namin anak." Sabi ni mamshie sabay yakap sa akin. Ilang minuto, umalis na rin ako sa pagkayakap at humarap kay papshie.

"Nak." Sabi ni papshie sabay yakap. At sa wakas tumulo na rin yung mga luha ko. Huhu! Nakakamiss talaga sila at ang plantation na ito. Ish. Huwag nalang kaya ako tutuloy? Pero syempre char lang yun. Gusto ko rin talaga ang mag-aral. Hays kalerki!

"Mamimiss ko rin po kayo mamshie at papshie. Mamshie, mamimiss ko po yung luto niyong ginataan at ikaw rin po papshie, mamimiss ko po yang ngipin niyong kulang-kulang." Sabi ko sakanila ng umalis na ako sa pagkayap kay papshie. Huhu. Para kaming nasa drama kalerki!

Tumawa nalang sila at nakisabay nalang ako kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Hays. Para kaming mga baliw!

Humarap na ako kay ma'am Elenita at niyakap niya rin ako. Kalerki na ha! Lahat nalang niyayakap ko! Parang hindi na rin ako babalik dito. Hays! Mga abnormal talaga sila kahit kailan. Siguro nahawa na rin sila kay papshie. Kawawa naman.

At sa wakas umalis na ako sa pagkayakap sakanya. Hays. Wala na akong yayakapin pa. Hehe.

"Mariette, mag-iingat ka doon sa Maynila. At tawagan mo lang ako kung may kailangan ka. Si mang Jose ang dadala sayo sa lugar kung saan ka titira." Sabi ni ma'am Elenita at masaya naman akong tumango. Si mang Jose ay ang driver nila ma'am Elenita.

Pagkatapos nung madramang oras, sumakay na rin ako sa kotse na nagmamay ari nila ma'am Elenita. Ano? Bongga deba? Para narin ako magpupunta sa Amerika.

"Babye!" Sigaw ko sabay kaway sakanila ng umandar na yung kotse. Kumaway din sila sakin. At sa hindi ko na sila makita dahil malayo na sila sa paningin ko. Huhu! Nakakamiss itong lugar na ito. Kalerki! Mangiyak ngiyak na naman ako.

After 2 hours...

At sa wakas! Dumating na rin ako sa Maynila. Binuksan ko nalang yung bintana at suminghap ng hangin.

"Pwe! Pwe!" Sabi ko at mangubo ngubo. Paano ba naman kasi amoy usok na galing sa mga sasakyan. Kalerki dito ha! Buti pa sa probinsya namin ang fresh ng hangin. Ilang minuto pa ang nakalipas, dumating na ako sa matitirahan ko.

"Hotel po ba ito mang Jose?" Tanong ko sakanya nung bumaba na kami sa sasakyan. Tumawa naman siya. Tinaas ko nalang kilay ko. Kalerki! Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah!

"Hindi Mariette. Apartment lang ito." Sabi niya at nagtango-tango nalang ako. Binuhat ko nalang yung bagahe ko. Nagpanggap ako na parang nahihirapan dahil mabigat yung bagahe ko pero sa totoo kaya ko naman ito buhatin. Dahil ako ako kanina na magdrama, gumawa ako ng paraan para si mang Jose na yung bububat. Hehe. Diba ang talino ko talaga?

Mariette: Ang Babaeng LukaretWhere stories live. Discover now