KABANATA 2(ongoing)

6 2 0
                                    

AN: Basahin niyo rin po yung Darkilia University Thankyou! Enjoy! ♡

--

Mabilis lumipas ang oras. Hulaan niyo kung anong araw ngayon? Lunes na!!! Goshie! At ang ibig sabihin, pasukan na! Waaah!! Nakaka excite naman. Pero mas nakaka excite kung kulay pink yung uniform! Hays.

"Oh Mariette, bakit 'di mo pa sinuot yung uniform mo?" Tanong ni Rebecca. Napatingin naman ako sakanya. Nakasuot na siya ng uniform. Kahapon pumunta kaming tatlo sa Thomas University para kunin itong mga uniform. Tama nga yung sinabi ni Rebecca, above the knee yung palda na kulay black. Tapos yung blouse naman ay kulay white na long sleeve na dapat itupi hanggang siko. May necktie rin siya na kulay black na may selyo ng Thomas University. Magmukha tuloy kaming japayuki haha char!

"Ha? Susuotin ko na ito. Tinitingnan ko muna." Sabi ko at nagtango naman siya. Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at sinuot ito. Wala na akong mapagpipilian eh. Kahit nakakalerki, dapat makeri!

Lumabas na ako sa kwarto at tiningnan naman nila akong dalawa from head to food--este foot! Tinaas ko nalang kilay ko.

"Bagay naman sayo ah. Actually you look cute on it." Sabi ni Maylee. Nag chin up naman ako. At tumawa naman silang dalawa. Hays! Binalewala ko nalang sila dahil alam ko na mga tiriring naman na sila. Kinuha ko na yung pink bag ko at sinuot.

"Let's go?" Masayang sabi ni Maylee. Sa oras na ito, pareho yung nararamdaman namin tatlo. Eksayted.

"Go lets!" Masaya kong tugon. Goshie. Sana mag classmates kaming tatlo.

Pagkalipas ng 30 minutes, dumating narin kami sa Mang--este Thomas University. Medyo malapit lang yung university sa apartment namin kaya mabilis kaming dumating. At sa jeep kami sumakay tatlo.

"Punta muna tayo sa bulletin board at tingnan natin kung anong section tayo." Sabi ni Rebecca. Sumang-ayon naman kami ni Maylee. Habang naglalakad kami, patingin tingin ako sa paligid habang hawak ko yung dalawang strap ng bag ko. Malaki ang kanilang plaza at pathway. Magaganda din yung design ng mga halaman.

Pagdating namin sa bulletin board, tumingin na silang dalawa doon at hinanap ang pangalan namin.

"Maylee, magclassmates tayo!" Masayang sabi ni Rebecca. Napatingin naman ako sakanilang dalawa na masayang nagtatalon.

"Ako?" Tanong ko.

"Wait, tingnan ko muna. Mariette Arquiza diba?" Sabi ni Rebecca at tumango naman ako. Naghintay muna ako. Kalerki! Ang laki din pala ng social hall nila dito. At ang daming estudyante.

"Naku Mariette, hindi tayo magclassmates. Nasa Section C ka." Malungkot na sabi ni Rebecca. Ngumuso nalang ako. Hays! 'Kala ko talaga magclassmates kami eh!

"Okay lang yun. Anong section pala kayo?" Tanong ko. Hays keri ko naman kahit hindi kami classmates, makikita ko naman sila araw-araw dahil mag roommates naman kami! Oo Mariette! Talino mo talaga!

"Sa Section A kami." Sabi ni Maylee. Tumango nalang ako at ngumiti. Hindi nila ako ininform na mas matalino pala sila saken!

"Mariette, mag cr muna kami. Alam mo naman yung room niyo diba? Nilibot naman natin itong university kahapon." Sabi ni Rebecca. Nag 'Oo' nalang ako kahit medyo hindi ko pa kabisado yung mga pasikot sikot dito.

Pagkaalis nila, napag isipan kong maglakad lakad muna tutal maaga pa naman. Nagtingin tingin muna ako sa paligid. Hindi parin ako naka move on dahil sa laki ng Thomas University. Maganda din yung dingding nila tsaka yung daana--

"Damn girl. Wala ka bang mata?!" Sabi ng lalaki na nabanggaan ko. Napatingin ako sa mukha niyang mukhang galit na tigre. At aba! Siya lang ata ang hindi naka uniform dito! Nag crossed arms naman ako.

Mariette: Ang Babaeng LukaretWhere stories live. Discover now