"Hindi ko alam ba't ako ganito
Bigla na lang nagbago
Pagtingin ko sa'yo
Araw-araw kitang naiisip
Ikaw lang laman ng panaginip
Sa puso ko ikaw pa rin
Ang sinisigaw ng damdaminIbang-iba ang nadarama
Kapag ikaw aking kasama
Lagi akong masaya
Hindi na ako nag-iisa
Malungkot na mundo ko
biglang napawi
Dahil sa tamis ng iyong ngiti
Hindi mo lang napapansin
Sa'yo ako laging nakatingin
Ipinapanalangin ko
Sana makita mo sa mga mata ko
Na ikaw lang ang kukumpleto
sa buhay kong ito
Sana tanggapin
Pag-ibig na alay sa'yo
Andito lang ako
Naghihintay na mahalin mo"...

BINABASA MO ANG
Heart Of A Poet
Poetry"Collection of Poems that will capture one's emotion".. We all have different memories to share. We cannot forget the emotion that lies within those experiences when we reminisce "those days". The laughter, the tears, the pain, the love..the less...