Kim

1 0 0
                                    

Nagkakilala tayo sa phone
Naging mabuting magkaibigan tayo
Lagi tayong nagtatawagan
Nagkukuwentuhan, nagtatawanan
Marami tayong kalokohan
Bolahan tayo ng bolahan
Sabi mo ikaw si Richard
At sabi ko naman, ako si Sharon
Nakakatuwa, parang wala tayong magawa
Kaya nga lang sa phone lang tayo nagkakilala

Inabot tayo ng isang taon
Mabuti't nagkita rin tayo sa wakas
Well, ang cute cute mo nga
At sabi mo nga rin ay cute ako
Ahmm, natuwa ako sa sinabi mo ha
Imagine type mo ako?
Huwag kang mag-alala type din kita
Kaya nga lang inlove na ako sa iba
Pero you know, naiisip din kita
Sige na nga sasagutin na kita

Hay naku, ngayon ngang mag-on na tayo
Saka ka pa nadisgrasya!
Ikaw kasi di ka nag-iingat
May peklat na tuloy ang iyong kamay
Sabong ka ng sabong, wala ka ng magawa
Paano na tayo pag ganyan ka na lang?
Mabubuhay mo ba ako sa kasasabong mo?
Baka magbibigay ng buhay lang ang alam mo
Uy, iba na yan
Anong iniisip mo ha 'igan'?
Masama yan, ano ka ba?!
Sige na nga, I love you na lang

Hay naku, wala talaga akong magawa
Gumagawa ba ako ng kuwento o isang tula?
Di ko maintindihan, bigla tuloy akong nag-init
Ang ulo ko'y nag-iinit na dahil sa sobrang init!
Hay, kailangan ko ng pamaypay
Sobra ang init ng panahon kaya't ako'y nanlulupaypay
Teka, ano na nga ba ang kuwento namin ni Kim?
Ha ewan, di ko na maisip
Hay, kailangan ko na talagang umidlip
Gabi na Maya, ipagpatuloy mo na ang iyong panaginip

Heart Of A PoetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon