Secret Love -part 2-

3 1 1
                                    

"O kay sarap balikan
  ating pinagsamahan
Mga biruan at tawanan
Simpleng lambingan
  at mga tampuhan
Problema'y nalilimutan
Kapag ikaw'y nandiyan...

...Hindi ko maintindihan sarili ko
Bakit sa'yo pa nagkagusto
Hindi man ikaw ang pangarap ko
Pero sa'yo ako nagmahal ng todo

Sa araw-araw ako'y kumpleto
Masilayan ko lang
  ang mga ngiti mo
Bawat oras, minuto't segundo
Ikaw lang laman ng isip ko
Maging sa panaginip
Hindi ka mawaglit
Pangalan mo lagi aking nasasambit

...Habang lumalalim ang aking pagtingin
Hindi mapigilan bugso ng damdamin
Gusto ko mang magtapat
Ipagsigawan sa lahat
Na "Mahal Kita"
  ngunit hindi pa nararapat
'Pagkat tayo'y may pangarap
  Na dapat tuparin
Pamilya muna ang dapat unahin

...Hindi man ngayon ang panahon natin
Umasa ka pangako'y tutuparin
Hindi magbabago aking pagtingin
Balang-araw sasambitin
Na "Ikaw Lang" ang sinisigaw
  ng aking damdamin

Heart Of A PoetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon