The Ex's Goodbye

5 0 0
                                    

EX-Girlfriend Sentiments:

"Pagmulat ng aking mata
Pakiramdam tila nag-iba
Naisip agad kita
Puso ko'y nagdurugo na
Di mapigilan pagtulo ng luha
Mata ko'y namumugto na
Dahil sa sakit na nadarama!

Isang araw pa lang ang nakakaraan
Hindi inaasahan aking nalaman
Mundo ko'y gumuho
Isip ko'y gulong-gulo
Ano ba ang nagawa ko?
Bakit tayo nagkaganito?
Hindi mo man lang inisip
  ang nararamdaman ko?

Wala na bang paraan
Upang tayo'y magkabalikan?
Ating pinagsamahan
Sasayangin ba ng tuluyan?...

...Sa huling sandali
Bago kita pakawalan
Maaari ba kitang yakapin
  kahit saglit lang?
Puwede ba kitang pagmasdan
Sa huling pagkakataon?
Iukit sa alaala
Na minahal kita noon"...

EX-Boyfriend Confession:

"Patawarin mo ako
    sa aking nagawa
Wala kang kasalanan
Ako ang may problema
Hindi ko man maibsan
Sakit na nadarama
Dasal ko na sana
Makahanap ka ng iba

...Kaya limutin mo na ako
    sa iyong alaala
Tanggapin natin sa puso
Na tayo'y wala na
Marahil ay hindi tayo
  ang para sa isa't isa...

...Pero bago ako lumisan
Gusto ko lang malaman mo
Minahal din kita
Sa kaibuturan ng aking puso
Nang dahil sa'yo
Mundo ko'y nagbago
Salamat sa alaala
  na kailanman hindi maglalaho"...

Heart Of A PoetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon