Chapter 7

52 0 1
                                    

Chapter 7

********

"Bakit kasi tayo nandito?", nakapark kami sa harapan ng isang mall. Kung ano-ano talaga iniisip ng lalaking to. Una, bakit niya kaya ako sinabay sa sasakyan niya, Pangalawa, bakit kami nasa mall.

"Wag ka ng maraming tanong, dapat nga matuwa ka pa kasi tignan mo yung taong gusto mo kasama mo sa mall. Alam ko namang kanina ka pa kinikilig" WTF? Ano daw. Ang kapal talaga ng muka ng lalakeng to. Oo maraming naggwagwapuhan sa kanya, pero ako NEVER.

"Wtf?, kadire ka." Pagkatapos kong sabihin yun hinila na niya ako palabas ng sasakyan. Tapos hanggang papasok ng mall.

Hinila niya ako kung saan-saan, kung saan-saan siyang pumapasok na stores pero hindi naman siya bibili. At nakita ko yung mga taong nagtitingan samin, bakit may problema ba samin. Tiningnan ko kung saan talaga sila nakatingin, sa kamay naming magkaholding-hands, OMG!, pinilit kong tanggalin yun pero hindi ko matanggal, kasi mahigpit yung hawak niya sa kamay ko. Ano kaya problema nito?.

"Migs" tinatawag ko siyang mahina.

"Psst... Migs" Bakit hindi kasi siya tumitingin.

"Oy! Tumingin ka kasi." Ang tibay niya ha.

Kinakalabit ko siya para tumingin siya sakin. "Ano?!" wow buti naman namansin narin. Tinuro ko yung kamay namin. At bigla naman niyang tinaggal, Hay Salamat!.

"Sorry, hindi ko napansin.." Ay buti naman nagsorry ka, akala ko di ka magsosorry.

"...alam ko namang gusto mo, kaya hindi ko tinaggal eh" kala ko naman sincere siya, hindi pala.

"Kahit kailan talaga, hay nako. Ang kapal ng muka, buti nalang gwapo ka." Ay shet, bakit ko sinabi yun.

"Ano?!" Buti nalang hindi niya narinig, Hay salamat.

Tumingin ako kung nasaan kami, may nakita akong magandang damit dun sa may store na malapit samin. "Uy, wait lang ha", tapos pumunta na ako dun sa may store. Pero bago ako makapunta dun, parang may humila na kamay ko, ang lakas nung hila niya sakin kaya para napatumba ako. Pero sinalo niya ko, si Migs. " San ka pupunta?" , hindi parin niya ako binibitawan. "S-sa ma-ay st-store d-doon", shet bakit ako nauutal sa kanya, baka asarin niya pa ako.

Hala!, nagtitinginan yung mga tao saamin, kaya tumayo na ako. " Ah s-sige p-punta na a-ako ha!", bakit ba kasi ako nauutal. Nakakahiya sa kanya. "Sige, susunod nalang ako sayo." wow ang bait ha , ano kayang nakain niyan. "Sige, bahala ka".

"Magkano po yung shirt na to?" grabe ang ganda nung damit na to, ang cute nung design may heart sa gitna. "Ah Maam, 400 po"tapos tumingin siya kay Migs, hala ang mahal naman. "Ate, ang mahal naman" , " Mahal po talaga kasi po may libreng shirt na ibibigay sa inyo po, at limited edition po kasi" tumingin siya ulit kay Migs, tapos ngumiti aba'y malandi to ah. Limited edition pala eh, kaya naman pala eh.

"Pakisupot nalang po" nagulat naman ako dun sa nagsalita. Lumingon ako, si Migs pala eh. Tapos nagabot siya ng 500 pesos, hala siya yung magbabayad, nakakahiya sa kanya.

" Uy! Ako na magbabayad" binulong ko sa kanya. Kasi baka isipin niya na mahirap lang ako, kapag siya pa yung pinagbayad ko, at tsaka baka may pabor pa siyang pagawin sakin.

"Hindi na, ako na magbabayad. Baka ikahirap mo pa" Ay grabe, ang kapal talaga, ano akala niya sakin, pulube?.

"Hindi na, ako na kasi magba-" OMG! Bigla niyang nilagay yung hintuturo niyang daliri sa labi ko. WTF?

"Ako na, basta ibigay mo sakin yung isang shirt." Ah kaya naman pala, kasi nagandahan rin siya dun sa shirt.

"Hi Miss eto na po yung bayad" aba aba nilalandi pa nitong lalaking to yung babae ah. Kinuha nung babae, tapos inabot na yung paperbag. Nung iaabot na niya, sinakto niya yung kamay niya dun s kamay ni Migs. Aba! ang landi talaga. Tapos may binulong pa si Migs, tumatawa naman yung babae.

Must Help HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon