Chapter 10

55 0 1
                                    

Chapter 10

************

"So, anong section mo?... sana magkaklase tayo huhu" sana magkaklase kami ni Luis

"Bakit saan ba section mo?"

"Di ko alam, basta pinakahuli. Section 10 ata?"

"Ay parehas naman pala tayo eh." YES!, may kaclose na ko sa room. Yes!

"YEEESSSS!!!" tapos niyakap ko siya.

"Alam mo nagtataka ako, kung bakit lagi mo akong niyayakap. Ikaw ha" tapos ngumiti siya sakin na parang creepy, pero siguro sa iba kinikilig na.

Bumitaw ako. Grabe naman to, porket lang niyayakap palagi, may gusto na agad.

"Grabe, pati ba naman ikaw feeler?"

"Ah, so may isa pang palagi mong niyayakap? Hay Ally" wow bakit ko naman yayakapin yon. Ew.

"Yak, hindi naman niyayakap. Feeler kasi siya. Feel niya na may gusto ako sakanya. Palibhasa kasi maraming may gusto sa kanya. Eh wala naman akong makita sa kanya na kapogian eh. Sa tutal nga mas gwapo ka pa nga sa kanya eh." oh my god. Nasabi kong gwapo siya. Baka isipip niyang pinagpapantasyahan ko siya.

"Ah, so nagwagwapuhan ka pala sakin ah. Ayiee Ally, nafefeel ko ng may sparks akong nararamdaman sating dalawa, ikaw?" nako baka kamag-anak pa ata to ni Kupal.

"Oo, Kuryente talaga, Kuryenteng galit na galit kasi yung isa feeler dyan. Nako tigilan mo nga ako."

"Hay bahala ka jan... teka sabay na tayo sa may classroom ah." grabe iniba agad topic ah.

"Bahala ka sa buhay mo"

Naglalakad kaming dalawa sa may hallway. At wow nakatingin silang lahat kay Luis. Hahaha ano ba nakita nila dito.

"Wow ah, bidang bida ka Luis. Yes naman"

"Hay nako, ayoko nga ng pinagtitinginan eh, bahala sila sa buhay nila. Wala akong pake sa kanila." ibang iba talaga to si Luis kay Kupal ah.

"Grabe, ngayon lang ata ako nakarinig ng ganyang reaction ah"

"Na ano?"

"Na hindi mo feel na feel yung pagiging 'attractive' mo, kasi halos lahat ng lalaki kong kilala sobrang kapal ng muka eh." tapos ngumiti lang siya sakin.

Papunta na kami ngayon sa may classroom at nakita ko sa may pintuan, nakatambay tropa ni M- Kupal. Tapos nung nakita niya ako, ang sama ng tingi niya sakin. Bakit ano nanaman ba ginawa ko sa kanya.

Dumeretcho lang kami ni Luis sa may classroom at nakita namin may bakanteng upuan sa may likod at sa medyo sa harapan. Dederetcho na dapat siya s may likodan, pinigilan ko siya.

"Bakit? Ano problema mo?" sabi niya. Wow ha, niligtas ko na nga buhay niya eh. Mapanganib kasi dun sa tabi ng upuan nila Kupal.

"Gusto mo bang mamatay?"

"Ha... Ano?, bakit may pumapatay ba dun sa may upuan na yon?"

"Wala naman, pero gusto mo bang makatabi yung mga demonyong nasa pintuan kanina" tapos lumingon ako pata ituro sila Kupal, tapos tumingin ulit ako kay Luis.

"Ay oo, demonyo nga, ang sama ng tingin saatin eh, mga ganyan ba talaga yan." kung alam mo lang Luis

"Jusko oo naman, araw araw. Lagi akong pinagdidiskitahan wala naman akong ginagawa" tapos umupo nalang kami dun sa medyo sa harapan, ayaw kong masaniban ng kasamaan si Luis, kasi masyado siyang pogi para don.

Nakaupo na kami, at bigla kong nakita nasa harapan namin sila Kupal. Bakit nanaman? Ano nanaman ba ginagawa ko sa kanya. Hay hindi ba siya nagsasawa sa pagbwibwisit ng tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Must Help HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon