Chapter 8

52 0 1
                                    

Chapter 8

**************

"Good morning class"

"Good morning Ms.Gomez" ay naalala ko na yung name ni adviser.

"I have an announcement, ang iba sa inyo ay malilipat sa isang section. At ang masaklap pa dito ay sa lowest section. Dahil ito sa mga grades niyong mabababa"

Hala, sana wag ako, malalagot ako sa mama ko kapag kasama ako dun. Alam ko kasi sa sarili kong medyo bobo ako, pero alam ko rin na nagpaparticipate ako.

"Okay, walong boys ang malilipat. At isang babae naman."

Ay grabe pasuspense pa to si Maam. Ayaw nalang sabihin ng deresto. Ayaw kasing maging straight-to-the-point to.

"Okay ang unang mapupunta sa ibang section ay...."

Grabe parang announcement ng pbb grand winner to ah. Nakakatense. Text-votes please para masave ako.

"Mr. DeGuzman"

Oh no si Owen.

"Mr. Enriquez"

Carl? , hala mawawalan na talaga ng makukulit tong classroom na to.

"Mr.Lopez"

Wala ng joker sa classroom. Aw Andrew.

"Mr. Ignacio"

Okay what?! si Ned?! Hala.

"Mr. Ong"

Mat. Wala ng mabait sa grupo nila dito.

"Mr. Alonzo"

Hala si Neil?, Maayos naman yung performance niya ah.

"Mr. Sanchez"

Si Mark? Okay. Ano bang meron.

Grabe ah, yung buong tropa nila. Kina-career yung paglipat ng ibang section ah.

"And lastly, yung babae..."

Oh no ito na yung pinakaayaw kong part ng announcement. Parang natatae akong ewan sa sobrang kaba. Pwede bang magback-out. Siguro naman may babaeng mababa ang grade kesa sakin diba?. Baka ma-op ako sa section na yun. Puro mga di ko kaclose yung kasama ko dun.

"Ms. Perez"

W-H-A-T-!!!! Yun lang ang nasabi ko.

"HALA! HINDI PWEDE!"

Hindi ko talaga matanggap na ako yung babaeng may pinakamababang grade. At ang masaklap, malilipat ako sa ibang section. Take note, WORST SECTION.

"Calm down Ms.Perez"

Sa nararamdaman ko ngayon, nalimutan yata ng utak ko yung word na 'calm'.

"P-pero M-maam, baka nagkamali po kayo ng tingin. Baka po ibang Perez yun."

At chineck niya ulit.

Sana may chance na hindi ako.

"Ikaw lang ang nagiisang perez dito, at ngayon sure na akong ikaw yun."

OKAY BASAG.

Totoo bang nangyayare sakin to, na naglalakad na ako papunta sa bago kong section?. Ang daya naman. Bakit sakin pa nangyari sakin to. Dapat si Migs nalang yung nandito eh. Speaking of Migs, bakit kaya hindi kasama yun sa mga malilipat?. Alam kong walang utak yun ah.

"Okay ito na yung new room niyo" heh! Ewan ko sayo Ms.Gomez

Tinignan ko yung classroom namin. Gulo gulo ang mga upuan, sira sira yung mga desk, nagbabatuhan ng mga papel, at walang babae. So ako lang ang babae? Ah Sh*t. I wanna die.

Must Help HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon