Adobo and chopseuy

1.9K 45 0
                                    

Wala na siguro sila baka nag lunch na sila sa labas ng GF nyang makapal mag makeup.. insecure?? hinde ah! Maganda naman sya sana lang light lang sya mag makeup.. baka naman yun ang in sa L.A.
Nag mumukha kang insecure hanna!

"Nag lunch kana?"

"ay nag lunch ang unggoy!" si Carlo sumulpot sa may likuran ko.

"What?" confused si Carlo

"Nag lunch na" matabang kong sagot

" Liar.. i saw Ms. Anne sa kitchen  hinahanap kita and she told me that you went out. Hinde ka raw kumain ng lunch." nakatitig na tanong ni Carlo.

"Kumain ako ng Ice cream Sir.." kumuha ako ng folder sa filling cabinet.. busy busyihan ang peg ko.

"Come lets eat, favorite ko yung baon mo.. im hungry." parang batang nag papaawa.

Bakit di ba sila kumain ng GF nya? Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at pilit na hinila papuntang kitchen.

"Dadalin ko nalang sa table mo.. hindi ka makakain ng maayos sa kitchen mag tataka ang mga staff dun ka nag llunch." hinila ko ang kamay ko

"Ok i will wait here." ngiti nyang sagot.

Maganda ang mood ng mokong.. pinaganda ng Cathy nya!

Hinain ko sa harap ni Carlo ang dala kong adobo at chopseuy. Ininit ko sa microwave..Hinde kumain si Anne dahil walang tanda na nabawasan ang dala ko. Pasta and bread ang madalas na kinakain ni Anne..baka di nya type.

"Wow! na miss ko ang luto ng tita Elvie!" na pangiti ako sa reaction ni Carlo parang bata.

"Pano mo nalaman na si Mama nga ang nag luto nyan?..ako kaya!." pagsisinungaling ko.

Malakas na tawa mula kay Carlo. "Kung may sunog na bawang at sibuyas.. well yes its you!."

"Na improve ko na ang cooking skills ko." hamakin daw ang luto ko.

Sarap na sarap si Carlo, since dati pa pag alam ni Carlo na chopseuy or adobo ang ulam namin, sa amin sya kakain kahit diko inaalok na sa amin na kumain. Basta si Mama ang nagluto..

"Alam kong gwapo ako.. wag mo akong titigan lang. Join me"

Napahiya ako ng mahuli ni Carlo.. kaya naman nag kunwari nalang akong kakain rin.

Wala syang na mention about kay Cathy, ayokong mag tanong dahil sa ayokong malaman mula sa kanya na oo may gf na sya. Wag muna ngayon.

Ang sakit sa dibdib..




MY SECOND FIRST LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon